Chapter 63

60 2 1
                                    

Chapter 63

Clarissa Annalyn's POV

*continuation*

Nilapitan ko siya at hinapmas sa braso.

"Halika nga!" at hinigit ko siya palabas nung room.

Dumating kami sa balcony at tinulak siya ng marahan kaya tumama siya sa harang.

"O anong ginawa ko?" - Ethan

"Bakit kailangan mong sumigaw kanina dun sa loob?!" inis kong tanong.

"Sus! Nagustuhan mo nga eh. Pulang-pula ka kaya." - Ethan

"Ang yabang mo ding ungas ka eh noh?" - ako

"Wag mo na kasing i-deny. Sinabi mo na eh. At sinabi ko na rin. MAHAL KITA." - Ethan

"Eh-"

"Can you be my girlfriend?" derederetsong tanong niya

"Ha.... A...."

Ok, unexpected yun....

"You don't need to answer me now... Kung hindi ka pa talaga handa, I'll wait..." at tinalikuran niya na ako.

"........Y-yes." utal kong sagot.

Ano pa bang gagawin ko? Eh hindi na ako makahinga dito?

Muli niya akong nilingon at yumuko naman ako para iwasan ang tingin niya.

"Ayoko." bigla namang saad ni Ethan dahilan para tignan ko siya.

"...... A... Ba..."

"Ayoko ng napipilitan ka..... Handa akong maghintay An-"

"Hindi naman ako napipilitan eh...."

His face widened at nagtatatalo nalang siya dun na parang may spring sa paa.

"KAMI NA!!!!! KAMI NA!!!! YES!!! KAMI NA!!!" - Ethan

"Psst! Huy! Ang ingay mo!" - ako

"Nice pre! Congrats!" - Marco

"Hoy, De Vera! Ingatan mo to ah! Ang bait-bait niya para sayo! Magpasalamat ka sinagot ka!" - Ara

Nagtawanan naman silang magkakabarkada....

Now, we're officially together... Sana nga siya na.. Pero bakit ba parang may mali? Bakit pakiramdam ko, may mangyayaring masama? Is it just me or what?

.

.

.

A week has passed since nung naging kami ni Ethan... Close na din kami ng barkada niya.

At ngayon, kailangan kong pumunta kila Ethan kasi kailangan ko daw kausapin sila tita Jill kasi may pinagusapan daw sila ni Dad.

Kakatapos ko lang magayos ng may nagdoorbell.

"Tara na?" - Ethan

"Teka, may kukunin lang ako. Pasok ka muna." - ako

"Hindi na. Hintayin nalang kita dito." - Ethan

Agad ko namang kinuha kung ano yung naiwan ko.

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon