Chapter 25 - Trust
Clarissa Annalyn's POV
Well, as of today, ganun padin.
Nakaposas kasama si Ethan.
Pero hanggang ngayon di parin kami nagpapansinan.
Kung titignan mo siya, parang puyat siya.
Ang laki kasi ng eyebags niya eh. Daig pa may black-eye.
Psh! Parang may care naman ako!
Umupo kami sa bench para manuod ng basketball.
Habang nanonuod kami, ang lalakas ng hiyawan ng mga studyante. Patid-litid! Todo effort!
4th yr. vs. 3rd yr.
And as expected, lamang ang 4th year.
Habang naghihiyawan, biglang pumatong yung ulo ni Ethan sa balikat ko.
Tinignan ko kung anong ginagawa niya.
TULOG.
Ang kapal din neto ah!
Kahapon hinihilahila niya ako, ngayon gagawin niya naman akong unan?!
Tinapik-tapik ko siya para gisingin, kaso walang kwenta.
Ang hirap pa naman ng pwesto ko. Ang layo ko kasi sa sandalan eh.
"Ethan!" -sigaw ko, kaso la-epek talaga.
Ano bang ginawa neto at hindi to magising-gising?!
Ginalaw-galaw ko yung balikat ko kung san siya nakaunan. Baka sakaling magising.
Kaso, imbis na magising siya, nahulog yung ulo niya sa lap ko.
Peste! Naipit yung kamay ko.
Inayos ko yung kamay ko.
Ang kinalabasan?
Para akong nakayakap sakanya.
Peste talaga!
Sinubukan ko ibalik yung pwesto namin kanina kaso bigla siyang bumigat.
Loko to ah.......
"Gising ka noh?" -ako
Umiling siya.
"Adik ka rin eh noh?!" -ako ulit
"Ikaw kasi eh." -Ethan
"Ano naman ang ginawa ko?!" -ako
"Hindi mo ko pinatulog kagabi." -Ethan
"Huh?!" -ako
"Diba inaway mo ko kagabi? Di ako nakatulog." -Ethan
"Wow. Hiyang-hiya Ethan. Hiyang-hiya." -ako
"Dapat lang. Bat ka ba kasi nagalit? Simula nung sinamahan ako ni Nicole nagalit ka na." -Ethan
"Hindi ako nagalit." -ako
"Ah.......... nagSELOS lang?" -Ethan
Binatukan ko siya.
"Praning! Bat naman ako magseselos?!" -ako
"Kung hindi, eh ano?" -Ethan
Biglang nagwhistle si Sir Bryan.
"Mr. and Mrs. De Vera, mamaya na landian. Mrs. De Vera, pwede bang maglaro asawa mo? Kasi matatalo na tayo?" -Sir Bryan
BINABASA MO ANG
I was wrong
Romance"love does not exist in this world. the only thing that exists in this world is pain." yan ang pinaniniwalaan ng bida natin sa story na ito. simula palang nung bata siya, nakatatak na yan sa isip niya. . . . . . . pero, love nga kaya ang hindi niya...