Chapter 28 - Non-stop

311 2 0
                                    

Chapter 28 - Non-stop

Clarissa Annalyn's POV

"I'll take her from here." -Ethan

Pi-nat lang ni Lance yung balikat ni Ethan at umalis na.

Nanghila lang din naman si Ethan.

Alam niyo yung pakiramdam ng may pasa na nga, hila parin ng hila!

Sinusubukan ko siyang sabayan sa paglakad para di masyadong matamaan yung pasa ko, kaso bigla siyang titigil kaya mahihila nanaman ako pabalik.

Buenas!

"Nangttrip ka ba?!" -ako

Hindi niya ako pinansin.

"Ano bang problema mo?!" -ako ulit

"Kung makapagsalita ka parang wala kang ginawang mali kanina ah!" -Ethan

Ginawang mali?

.

.

.

Ah..... yung *tooot*

"Eh diba nagsorry na ako? Di ko naman sinasadya! Tsaka kasalanan mo naman din yun eh!" -ako

"Pano ko naging kasalanan yun?!!!" -Ethan

"Alam mo na ngang kailangan kong mag-cr, sasabihin mo pa na wala sayo yung susi ng lintek na posas na to!" -ako

Bigla namang dinabog ni Ethan yung kamay niya na nakaposas kaya napasama yung sakin.

"Ah-" gusto ko ng sumigaw sa sakit kaso ayokong ipakita.

"Pinagtritripan ka lang naman eh." -Ethan

"Bwisit na trip yan!!!" -ako

Naglakad ako papalayo sa kanya kaso nahila ko siya kaya, tumama ulit yung pasa ko sa posas.

"Ish!" -ako

Naramdaman ko rin na may mahapdi sa mga braso ko.

"O, Ethan! Nagaaway nanaman kayo?" -sino pa nga ba? Edi si....... Nicole

"O, Claire! Your....... bleeding." -Nicole ulit

"Ah, hindi kami nagaa-" napatigil ako kasi ngayon lang natapos magprocess yung utak ko sa sinabi niya.

"Eh?" napatingin ako sakanya

At tinalikod niya ulit ako.

"Yung dalawang braso mo may sugat at pasa." -Nicole

Hinawakan ko at tinignan.

"Oww...." mali yung paghawak ko, natamaan ko yung pasa na sinasabi ni Nicole

"Ah, wala to." -pagpapalusot ko

Pag-nagtagal pa ko dito, tatanungin lang nila ako ng tatanungin.

At magpapalusot lang ako ng magpapalusot hanggang sa maubusan na ako ng ipapalusot.

Kailangan magisip na ako ng magandang palusot.

Nagpanggap akong may tumatawag sakin.

"Ms. Ryza! Sige po. Papunta na po ako." sabay kunwareng pagpatay ko ng phone ko.

"Ano, Nicole, saglit lang ha. Papatanggal ko lang tong posas, may importante kasi akong gagawin eh." sabay hawak ko sa kamay ni Ethan para kahit anong gawin kong hatak, hindi masakit.

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon