Chapter 50

167 3 0
                                    

Chapter 50

Mike Ethan's POV

Suminag ulit ang araw.

Uuwi na kami mamaya. Dapat pagtripan ko na ng pagtripan si Anna!

Hahaha! Ano kayang pwede kong gawin?

Naglinis muna ako ng sarili bago ako lumabas ng kwarto.

Ang dami kong naiisip na trip.

Pupunta sana ako sa kwarto niya kaso nakita ko na nililinis na yung kwartong pinagtutulugan niya.

"Excuse me, can I ask where Anna is?" -ako

"Miss Annalyn, sir? She might be in the kitchen." -maid

"Thank you." -ako

Agad akong bumaba para hanapin si Anna.

Kayalang, bago ko ata siya mahanap, kailangan muna ako yung hanapin.

Nakakalula kasi talaga tong bahay nila, ang LAWAK.

Hindi lang ata 3 kitchen nila, pati nga ata sala nila 10. Partida, lahat yun sa first floor lang nila ah.

May 2 grand piano din sila. Tapos 5 dining room? Ewan ko! Basta!

Pumunta ako sa kitchen at nakita si Alex.

"Alex!" -ako

"Sir! Good morning po! Kain po tayo." -Alex

"Ah, sige lang. Si Anna ba nakita mo?" -ako

"Ah, nagpunta po sa may creek. Dun po sa dulo ng garden. Makikita mo po siya dun." -Alex

"Salamat." -ako

Agad akong lumabas at pumunta dun.

.

.

Takte! Ang layo pala! Akala ko naman malapit lang!

Golf course na ata tong nilalakaran ko eh.

Umupo ako saglit para magpahinga ng may marinig akong mahinang agos ng tubig.

Agad akong tumakbo papunta doon at nakita ko si Anna na nakasandal sa isang puno malapit sa creek.

Anong ginagawa nun dun?

Napansin kong may hawak siyang isang drawing book.

Dahan-dahan akong lumapit at nakita kong natutulog siya.

Nak ng. Tulog nanaman?! Umagang-umaga natutulog?

Tinignan ko yung papel na hawak niya.

Shoot! Pamatay magdrawing! Mamaw!

As in! Gayang-gaya niya yung nasa harap niyang view. Tubig, bato, puno, lupa pati nga sinag ng araw eh. Lapis lang ang gamit niya pero ang ganda.

May bagay bang hindi kayang gawin ng babaeng to?!

Mamaw kumanta, mamaw sumayaw, mamaw sa pagluluto, mamaw sa talino, mamaw sa sipag, mamaw sa talent, mamaw sa pagddrawing.

Napatingin ako sa kanya.

Nakatali yung buhok niya pero merong mga nakalugay.

Takte! Nagmamalfunction na ata puso ko. May sira na atang tornillo.

"Is she sleeping?" -Tito Mike

"Yeah..." pagulat na sagot ko.

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon