Chapter 73

38 2 1
                                    

Chapter 73

Mike Ethan's POV

Nasa byahe na kami ngayon papunta sa Bolinao. Gamit ulit namin yung HiAce nila Kuya Fred.

Ang haba pala ng byahe papunta dito... Kagabi pa kami nasa byahe... Tirik na yung araw hindi padin kami nakakarating. Tulog pa lahat pwera samin ni Kuya Fred.

"Sir Mike?" - Kuya Fred

"M?" - ako

"Baka gutom na po kayo, may madadaanan po dito na jollibee... Gusto niyo?" - Kuya Fred

"Tara!" - ako

Nagpark siya sa tapat tapos bumaba na kami. Since ako yung nasa may pintuan hindi na ako nahirapang bumaba.

Ginising ni Kuya Fred si Alex at sinabihan na baba muna kami.

"Tara na po." - Kuya Fred

"Sigurado ka na iiwan mo lang nakabukas yung makina?" - ako

"Ah? Opo." - Kuya Fred

Nagorder kami ng kape at breakfast meals para sa aming lahat. Nag take out na din kami kasi malapit nalang naman na daw, nandun na din kami.

Pagbigay samin ng order namin...

"Kain muna tayo bago tayo lumarga ulit." - ako

"Sige po gigisingin ko na po sila." - Kuya Fred

Dahan-dahan niyang tinapik sila Marco pero wala.

"Watch.... and learn." sabi ko kay Kuya Fred.

Nagbukas ako ng isang meal at pina-amoy sa mga natutulog na nilalang.

"Oi! Penge!!!!" kala mo mga paniki na naistorbo sa loob ng cave eh.

"O bilis na. Kumuha na kayo. Dalian niyo daw sabi ni Kuya Fred... Malapit na daw tayo." - ako

"Anak ng. Hindi pa tayo nakakarating?" - Icy

"Hindi pa po... Pero malapit na po...." - Kuya Fred

Pagkatapos kumain, umalis na din kagad kami..

"Miss Anna!!! Tupig!!!" biglang sigaw ni Alex na nasa harap.

"San? Bili ka! Dali!" - Anna

"Madami akong tubig dito..." - Ara

"Ahahahaha!!! tuPig po... Hindi po tuBig...." - Alex

"Tupig? Ano yun?" - Marco

"Tupig... diba yun yung dalawang baboy?" - Art

"Corny mo pre! Hihirit ka nalang wag yung mababarag ka ha?" - Marco

"Oo nga. Mahiya ka naman. Wag mo na ulitin yun ha?" - Icy

"Yun yung parang suman pero gawa sa glutenous rice tapos may niyog." - Anna

"Isa ka pa eh. Mas malayo nanaman yung joke mo kesa kay Art." - Lance

"Bobo! Yun talaga ang tupig! Tsaka tanga, hindi ako nagjojoke." - Anna

"Aruy! Eepal ka pa eh... Barag ka tuloy... ahahaahahha..." - Marco

"Sorry naman..." - Lance

"Ilan po?" - Alex

"Damihan mo." - ako

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon