Chapter 48

183 3 0
                                    

Nanaman .... Late update ... Pasensya na po kayo .... Naging sobrang busy lang po this past few days .. school and some family matters ... hehehehe .... anyway .. ito na po .. sorry po ulit ... 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 48

Alex's POV

*ring* *ring* *ring*.

"Daming tumatawag ah, una si Anna, ngayon naman ikaw. Ako kaya?" pagbibiro ni Sir Mike.

Mr. Mike Reyes Calling....

"Yes, hello Mr. Mike." -ako

"Alex! Claire, she's dead. She died just a few minutes ago. Please check on Annalyn. Sigurado ako tinatawagan na siya ni Lucas ngayon." -Mr. Mike

Hindi ako makakilos sa sinabi ni Mr. Mike. Agad hinanap ng mga mata ko si Ms. Anna at nakita ko siyang nakatayo habang may kausap sa phone. Hindi siya nagsasalita pero kitang-kita mo sa mga mata niya ang pagkabigla.

"Alex. Hindi ko alam kung pupunta siya pero, ready na yung private plane." -Mr. Mike

"Ok po. Kakausapin ko po agad siya." -ako

Pinuntahan ko si Ms. Anna.

"Mis-"

Dumulas ang cellphone niya sa kamay niya habang nakatingin parin sa kawalan.

Lahat ng tao sa kwarto na kinalalagyan namin ay napatahimik at napatingin sa kanya.

Tinignan ako ni Ms. Anna pero agad niyang ibinaling ito at dere-deretchong lumabas ng kwarto.

"Sorry po, Mrs. De Vera, Mr. De Vera, Sir Mike. May emergency po kasi. Kailangan na po namin umalis. Pasensya na po kayo." -ako

Pinulot ko ang phone ni Ms. Anna at agad siyang sinundan kasama si Kuya Fred.

Nakita ko na nakasakay na si Ms. Anna sa sasakyan.

"Ms. Anna, ready na po yung private plane papunta ng New York. Pupunta po ba tayo?" -ako

Hinintay namin ang response niya pero hindi siya nagsalita. Nakatingin parin siya sa kawalan.

Pagdating namin sa unit niya, dumeretcho siya sa kwarto niya at nakita kong nilabas niya ang maleta niya at nagsimulang nagimpake ng gamit.

"Susunduin nalang po namin kayo mamayang, 6 am." sabi ko at deretchong umalis.

Agad din akong nagimpake ng gamit at nagpahinga ng konti.

*ring* *ring* *ring*

"Hello?" -ako

"Alex, ano nangyari kanina?" -Sir Mike

"Tumawag po si Mr. Mike Reyes sakin kanina at sinabi saakin na......"

"Na ano?" -Sir Mike

"P....patay na po si Mrs. Claire. Yung mommy po ni Ms. Anna." -ako

Pansin kong hindi din nakasagot kaagad si Sir Mike.

"Aalis po kami mamaya papunta ng New York." -ako

"Kamusta si Anna?" alalang tanong niya

"Hanggang ngayon po, hindi niya po kami kinakausap. Hindi din po siya nagsasalita." -ako

"Ganun ba, sige, magingat nalang kayo. And, condolence." -Sir Mike

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon