Chapter 40

222 4 0
                                    

Chapter 40

Mike Ethan's POV

Pag-gising ko ng umaga, ang bigat ng katawan ko at lamig na lamig ako. Pakiramdam ko may sipon at ubo ako.

Tuyung-tuyo din ang lalamunan ko. Ang init ng hininga ko.

Nilalagnat na ata ako. Hindi ko naman kasi alam na dapat pala maligo pagkatapos magpaulan.

Naligo lang ako nung sinabi ni Anna na maligo dapat.

Hayy......

*vibrate* *vibrate*

text message from Ms Ryza

"Kuya Mike, baka pwede ka namang pumasok ngayon. Sunday kasi, konti lang pumasok na waiters. Si Claire daw madami pang gagawin na homeworks at projects kaya di pwede. Ikaw?"

"Ms Ryza, pasensya na po. Masama po kasi pakiramdam ko ngayon. Parang may lagnat po ako. Baka po makasagabal lang po ako sa trabaho imbis na makatulong. Pasensya na po ulit." reply ko

*vibrate* *vibrate*

text message from Ms Ryza

"Ah ganun ba. Ok lang. Magpagaling ka nalang. Kung hindi mo kaya sarili mo, magpaalaga ka nalang kay Claire. Magaling magalaga yun."

Napangiti ako sa text ni Ms Ryza.

*vibrate* *vibrate* *vibrate*

"Hello?" -ako

"May sakit ka daw?" -Anna

"Bat barado ilong mo?" -ako

"Wala. May sakit ka nga?" -Anna

"Ata." -ako

"Anong ata?!" -Anna

"Mabigat lang pakiramdam ko." -ako

"O siya, papunta ako jan. Sabi ko naman kasi sayo, wag kang maliligo ng ulan eh." -Anna

Binaba niya na ang phone pagkatapos.

"Hayy nako Anna. Ang sakit mo talaga sa ulo." bulong ko sa sarili ko.

*dingdong* *dingdong*

Pagbangon ko, bigla akong inatake ng hilo at sakit ng ulo.

Dali-dali naman akong pumunta sa pinto para pagbuksan si babae.

Pagka-bukas ko ng pinto, bumalik agad ako sa kama kasi hindi parin nawawala yung hilo ko.

Napansin kong nakatayo lang si Anna sa tapat ng pinto ng kwarto ko.

"Pasok ka...." -ako

Pumasok naman agad siya.

"Saglit ngarud, titignan ko kung may lagnat ka....." -Anna

Napansin kong hirap magsalita si Anna.

"May sipon ka?" -ako

"Ha? Oo. Ikaw kasi eh. Pero wag kang magalala. Ok lang ako..." -Anna

Umupo siya sa tabi ko.

"Ilalagay ko tong thermometer sa kilikili mo." -Anna

Inayos ko yung braso ko at inilagay niya na ang thermometer.

After ng ilang minutes, tumunog na ito.

"39.7" bulong ni Anna

May naisip nanaman akong pangttrip. >:}

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon