Chapter 36

263 4 1
                                    

Chapter 36

Clarissa Annalyn's POV

Alas-quatro na ng hapon. Di hamak kanina pa nagsimula party ni Ethan.

Half-day lang din open yung resto kasi lahat din sila invited.

Nagaayos na kami para isara yung resto.

"Di ka ba talaga pupunta?" -Ms. Ryza

"Hindi po. May importante po kasi akong gagawin." pagpapalusot ko

"Ba naman to. Minsan lang magbirthday jowa este manliligaw este kaibigan mo hindi ka pa aatend." -Drea

"Lahat na!" -Athan

"Hindi ko siya manliligaw at lalo naman ang jowa noh! Kaibigan lang kami!" -ako

"Di mo alam dahil sayo, ako'y di makakain. Di din makatulog buhat ng iyong lokohin. Kung ako'y muling iibig sanay di maging katulad mo. Tulad mo nama'y pusong bato!!!" sabay-sabay nilang pagkanta kahit wala sa tono yung iba

"Ewan ko sa inyo! Ms. Ryza, mauna na po ako. Pinagtritripan niyo lang ako eh." reklamo ko

Pinabayaan lang nila ako umalis habang tuloy parin sila sa pagkanta ng pusong bato.

Pagsara ko ng pinto, narinig ko ang hagalpakan nila ng tawa.

"Mga adik." bulong ko sa sarili ko.

*vibrate* *vibrate*

205 unread messages

Hindi ko yan binubuksan kasi puro "happy birthday" lang laman niyan.

Wala namang happy kapag birthday.

Dapat hindi ako ang binabati nila ngayon. Dapat si WTC at manager.

Hindi muna ako dumeretcho sa unit ko. Sa rooftop muna ako tumambay.

Habang nagpapahangin ako dun, may tumawag sakin. Unkown number.

"Yes?" pagsagot ko

"Happy Birthday Annalyn!!!" -Lucas

"Iba nanaman number mo?" -ako

"Ang ganda ng respond mo ah! Bale, you're welcome nalang." -Lucas

"Bat napatawag ka?" -ako

"Gusto ko sana batiin yung kapatid ko ng happy birthday, kaso mali ata yung na-dial kong number." -Lucas

"Ah, ganun ba? Try mo nalang idial ulit baka gumana." sarkastikong pagsabi ko

"Oo nga noh." sabay baba niya ng phone

Maya-maya tumawag ulit siya.

"Happy Birthday Annalyn!!!" bungad niya

"Ang sakit sa tenga ah!" -ako

"Mali parin yung nadial kong number eh. Baka nagpalit na siya ng number." -Lucas

"Ewan ko sayo." -ako

"Sige na! Kamusta ka namang babae ka?" -Lucas

"Babae pa rin." -ako

"Bat may plano kang magpakalalake?" -Lucas

"Sira!" -ako

"M, balita ko birthday din ni De Vera ngayon? Wow ah. Meant to be." -Lucas

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon