Chapter 24 - Argue

324 3 1
                                    

Chapter 24 - Argue

Alex's POV

Si Ms. Anna parang mainit yung ulo.... nakakatense....

Ano kayang nangyare?

*vibrate* *vibrate*

Si Sir Ethan tumatawag.....

"Hello po?" -ako

"Si Anna?" -Sir Ethan

Napatingin ako kay Ms. Anna at tinignan niya rin ako.

"Nandito po..." -ako

"Sino yan?" bulong ni Ms. Anna

"Sir Ethan po." bulong ko din

Hinablot ni Ms. Anna yung phone ko at pinatay ito.

Pagkatapos niyang patayin, binalik niya sakin.

Hala..... Anyare?!

"Kuya Max, paki-bilisan.... late na ko sa trabaho eh...." request ni Ms. Anna kay Kuya Max na driver namin.

"Opo....." -Kuya Max

Binilisan naman niya.

After 5 minutes bumababa na si Ms. Anna.

"Salamat." sabay sara niya ng pinto.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Clarissa Annalyn's POV

Buenas kasing tao yun!!!!

Ano?! Nilambing lang siya ng ex niya, nakalimutan na niya na, 'ay! may kasama pala ako... may trabaho pa pala siya, baka malate siya'......

Psh!!! Dun na siya sa ex niya! Isaksak niya sa baga niya yung ex niya! Peste!

"Claire? Ayos ka lang? Kanina ka pa dabog ng dabog diyan ah..." -Ms.Ryza

"Sorry po.... Sige po magsserve na po ako...." -ako

Paglabas ko ang daming tao.... Kumakanta naman yung bagong singer na nahire... si Alice....

Serve lang ako ng serve hanggang sa may humila sakin papasok ng employees' room...

Pagdating namin sa loob, hinila ko pabalik yung kamay ko para tignan kung sino yung nanghigit sakin...

"Problema mo?!!!" sigaw ko kay Ethan lang naman.

"Bakit kailangan mong manigaw?!!" sigaw niya din sakin.

"Kita mo kasing nagtratrabaho yung tao diba?!!! Tapos bigla mo kong hihigitin?!! Sinong matutuwa dun ha?!!!" sigaw ko din

"Nagtratrabaho eh 10 na ng gabi?!!!" sigaw niya ulit

"Anong magagawa mo?!!! Edi ba nga kasi, nalate ako!!! Dahil nalate ako... at kasalanan mo... hanggang- *cough* *cough* *cough*..." bumigay na esophagus ko.... di ko na kaya sumigaw...

Hinimas ni Ethan yung likod ko.

"Sigaw ka kasi ng sigaw!! Yan tuloy!!!" sigaw niya sakin

Tinabing ko yung kamay niya.

"HEH!!! UMALIS KA NA!!! MAGTRATRABAHO PA AKO!!!! LINTEK!! SAGABAL KANG TAO KA!!" patuloy ako sa pagsigaw kahit masakit na lalamunan ko.

I was wrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon