Chapter 4 - Sound of Silence

153 18 4
                                    

Calvin's POV

"May gusto ka ba sa akin, Eithan?"

Dahil sa tanong ko, sobrang tahimik na ng buong classroom at naka-abang ang lahat sa isasagot ni Eithan since ito ata ang question of the century!

Kinakabahan din ako ng malala sa sasabihin niya since kapag sinabi niya na mayroon siyang gusto sa akin... agad ko siyang iba-basted since sa una pa lang wala talaga akong kaamor-amor sa mga lalake at hanggang friends lang talaga ang kaya ko ibigay kay Eithan!

Pero, sana talaga, wala siyang gusto since hindi ko alam ang gagawin ko! First time 'to kapag nagkataon!

Is it a Yes or a No? Hmmm?

Right now, nakatingin lang sa akin si Eithan ng seryoso at walang bahid ng kung anong emosyon. Hindi ko din alam kung naiinis siya o natutuwa...

Then, bigla siyang umupo at hindi na tumingin sa akin.

"Wala akong gusto..." Eithan said ng may seryosong mukha at walang kagana-gana at nakatingin lang sa harapan.

"Aweeeee... sayang naman." sabi ng mga babae.

Anong sayang doon! Bakit sayang! Bakit sila nanghihinayang!

Noong sinabi ni Eithan na wala siyang gusto sa akin, doon ako nakahinga ng maluwag! Sa wakas, di na ako kakabahan sa kanya!

"Number 10 na 'yun? Tapos na pala? Ano ba 'yan, nabitin naman ako sa interview niyong dalawa, Calvin and Eithan. Although sinakop na nito 'yung one hour natin, oras na para sa next class niyo." Mrs. Agoncillo said.

"Hala! Ang daya, bakit kaming dalawa lang?" I exclaimed.

"Okay lang 'yan. Magkakakilala na kami lahat, kayong dalawa na lang ni Eithan 'yung hindi namin masyadong kilalang kilala." Primo said and sumang-ayon ang iba.

"All right, class! Behave kayo sa next teacher niyo. Goodbye and nag-enjoy ako sa interview niyo, Calvin and Eithan. Lagi nga ako magaactivity ng pairing para naman madevelop kayo sa isa't isa." Mrs. Agoncillo said.

"Madevelop po? Ang alin? Ang feelings po?" I asked and gulat na gulat ako since nasa isip ko kung pinapartner niya ba kaming dalawa at gustong maging mag jowa!

"Madevelop ang friendship, since you'll be the first friend ni Eithan if ever kasi sabi niya wala pa daw siyang nagiging kaibigan sa school. Ang advanced mo naman mag-isip, Calvin! Good luck to the both of you!" Mrs. Agoncillo said and she left the classroom.

Pero grabe, halos lahat ng babae dito sa classroom gusto ata maging kami ni Eithan! Kadiri ampotek! Haha! Naiisip ko pa lang... 'yung tipong pag naghalikan kami tapos tatama 'yung matulis niyang bigote sa balat ko, kinikilabutan na ako!

Pagkatingin ko sa likod para kausapin sina Primo at Pocholo, nagbubulungan silang dalawa at parang may mga pinaplano sila. Kung anuman 'yun, hindi ko alam kung anong balak nila.

"Mga pre, ngayon alam na natin na walang gusto si Eithan sa akin, hindi na tayo mahihirapan. Hindi na rin ako maiilang makipag-kaibigan sa kanya." I said to both Pocholo and Primo.

"Sayang nga eh. Haist." Pocholo said.

"Anong sayang! Baliw ka!" I said and laughed.

Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon