Calvin's POV
As of now, may 15 minutes na lang akong natitira para pabilikin si Eithan sa Music club room at kanina pa ko hanap nang hanap sa kanya pero hindi ko siya makita!
Hindi ko pwede hayaan na matanggal siya sa music club dahil sa akin, pero kinakabahan din ako sa oras na makalapit ako sa kanya since baka mapatay niya nga talaga ako! Umay!
Nakailang tawag na rin ako sa phone niya pero hindi rin siya sumasagot!
"Eithan! Nasaan ka ba?" sigaw ko habang nasa quadrangle ako kaya lahat ng tao napatingin sa akin kahit na nagmumukha akong tanga kakahanap sa taong ayaw magpakita.
Hinanap ko siya sa classroom, tapos kung kani-kanino ko na rin tinanong pero hindi ko nakita!
Kaso... wait! Parang alam ko na kung paano ko siya makikita!
Bumalik ako sa tapat ng Music club room since alam ko nandoon ang clue!
Pagkabalik ko, nandoon na 'yung iba naming kasama sa contest at mukhang dalawa na lang kami ni Eithan ang hinihintay!
"10 minutes left, Calvin." Red said.
"Oo na! Hinahanap na nga di ba?" I shouted.
Then, tumingin ako sa baba ng glass door na sinapak ni Eithan kanina... at boom! Tama ako! Nandito pa 'yung tulo ng dugo mula sa kamay ni Eithan! Buti hindi pa nalilinis!
Sinundan ko 'yung bawat patak ng dugo para malaman kung nasaan siya...
Napansin ko na parang papunta 'yung patak ng dugo sa... fire exit sa pagitan ng 3rd floor at 4th floor?
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok ng fire exit since baka ito 'yung mga nasa palabas, 'yung may babato sa akin ng kutsilyo pagbukas ko ng pinto!
Dahan-dahan ko binuksan 'yung pinto kaso maingay! P*ta! Rinig na rinig 'yung squeak kaya baka malaman ni Eithan na may papasok at aalis na naman siya! Pero sana nandito pa nga siya talaga!
After ko mabuksan 'yung pinto, may narinig akong nagsasalita at parang may kausap.
"Oo... wala na sila. Binura ko na. Malinis na malinis." someone uttered and pakiwari ko... kilala ko kung kaninong boses 'to! Alam na alam ko kung kanino itong boses na sobrang ganda sa pandinig!
Sinilip ko kung sino 'yung nagsasalita at tama nga ako... si Eithan!
Napansin ko na tinakpan niya ng panyo 'yung nagdudugo niyang kamay. Kaya naman lumabas ulit ako patungong Music club room para manghiram ng med kit.
Pagkarating ko sa Music Club room, "5 minutes, Calvin." Red said.
"Oo, nakita ko na, Red! Wait lang ah? Kalma ka lang, please?" I shouted and kinuha ko 'yung first aid kit malapit sa emergency box na nakadisplay malapit sa table ni Red, "Pahiram muna ako!" I added and tumakbo na ako pabalik ng fire exit.
Pagkapasok ko ulit sa fire exit, sinilip ko si Eithan at mukhang tapos na siya makipag-usap sa phone, pero nakatayo siya at nakaharap sa wall. Ilang saglit lang, bigla niya hinampas 'yung wall out of nowhere! Hala? Baliw na ata 'to? Lapitan ko pa kaya? Parang pakiramdam ko, ako ang hahampasin nito sa ulo!
Since nakatalikod siya sa akin, dahan dahan ako naglakad patungo sa kanya... na may kasamang kaba at nginig kasi anytime baka mamatay ako!
Pagkatayo ko sa likod niya... hinawakan ko siya ng marahan sa balikat at bigla siya lumayo at tumingin sa akin na may gulat na gulat na expression, kaya nagulat din ako at ginamit ko pang-shield 'yung med kit kasi baka masapak ako ng wala sa oras!
![](https://img.wattpad.com/cover/290857163-288-k328264.jpg)
BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
RomanceThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...