Calvin's POV
Takteng Eithan 'to! Ginugulo na naman niya utak ko!
"Eithan! Anong sinasabi mo na gusto mo ko mapasaya!" I shouted kaso nakatulog na 'yung kumag! Umay talaga!
Paano ako makakatulog ngayon sa sinabi niya? Kinikilabutan ako gag* 'yan! Lalake nagpapasaya sa akin? T*ng ina! Kung kaugali ko siguro si Kuya William, sinapak ko na 'to sa mukha... Oo nga pala! Si Kuya William! Hindi niya pwede malaman 'to lalong lalo na si Eithan!
"Meow." Gemma, Eithan's siamese cat, uttered and humiga siya sa tiyan ni Eithan.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong kumalma habang pinapanood sila. Napaisip ako na hindi naman totally nag-iisa si Eithan kasi nandito naman si Gemma kapag nasa bahay siya at mahal na mahal siya nito. 'Yun nga lang, siempre hindi niya makakausap ng matino 'tong pusa niya.
Naiinis ako kasi gusto ko pa maging kaibigan si Eithan... kaso naman, baka mamaya nga may gusto na sa akin 'yung tao! Ang hirap talaga! Pero hindi ko pa rin alam kung may gusto siya sa akin.
Hindi ko naman din masabi na ayaw ko sa kanya kasi mamaya mapahiya na naman ako gaya noong kanina sa food park na akala ko binibilhan niya ako ng pagkain! Waaah! Naalala ko na naman! Gusto ko tumiklop!
Sigh!
Napatingin ako sa paligid pero mukhang wala naman dapat linisin since sobrang linis ng bahay niya. Wala rin namang kalat.
Nilapitan ko si Eithan para i-check na rin kung may mga pantal pa siya... kaso mayroon pa rin. Ibig sabihin may mga alcohol pa siya sa katawan. Tsk! Hintayin ko na lang mawala siguro, tapos tsaka ako makakatulog ng payapa.
Humiga na lang ako sa sofa ni Eithan at naglaro sa phone pampalipas oras.
From time to time, tinitingnan ko kung nawala na din ba 'yung mga rashes sa katawan niya. Umoonti naman na... kaso halatang halata pa rin talaga.
Time check, it's 12:30 a.m. and inaantok na ako. Iidlip lang ako saglit mga 15 minutes lang tapos iche-check ko kung may rashes pa si Eithan sa katawan.
...
...
...
Frying pan sizzling!
Hmm... Ang bango! Amoy... fried rice! Natatakam ako!
Ang aga naman ata magluto ni Kuya William? 12 a.m. pa lang ah?
Wait!
P*ta!
Bigla akong dumilat para tingnan 'yung oras! Pagkacheck ko sa phone... Sh*t! 4:30 a.m. na! Umay!
Pero ang pinakakinagulat ko... nasa kama ako ni Eithan at nakakumot pa! Sa pagkakatanda ko, nasa sofa ako nakatulog ah? Pero bakit dito na ako sa kama niya? Binuhat niya ba ako? Bakit hindi ako nagising! P*ta! Ano 'to? Baby ako para buhatin niya sa kama niya? T*ng ina! Hindi pwede 'to guys! Ako dapat 'yung bubuhat sa kanya! Sandali! Walang bubuhatin pala!
Kaso... ang sarap ng kama ni Eithan. Ang lambot at ang init... 5 minutes... no, 10 minutes pa tapos tatayo na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
RomanceThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...