Chapter 29 - How to unlove you?

175 14 42
                                    

Pocholo's POV

"May feelings ka din ba for Primo, Pochi?" Sabreena asked while she's smiling at me at hindi ko makita 'yung galit or inis sa kanya kaya lalo akong naguguluhan! "You can tell, me, Pochi."

Hindi ko na alam, sh*t!

Hindi ko nga maintindihan kung may gusto ba ako kay Primo o wala or kung bestfriends lang ba talaga ang tingin ko sa kanya.

Gusto ko rin si Sabreena at ayaw ko siyang saktan...

"Ano ba 'yang tanong mo, Sabreena? May feelings siguro bilang kaibigan since sobrang lapit na namin sa isa't isa. Pero romantically, wala." I answered.

"Okay, Pochi, thank you sa pagsagot." she smiled and sighed deeply, "Let's go back to the dorm para makapagpahinga ka na, Pochi."

"Tara, Sab. Sorry, masakit lang talaga ulo ko, pero nag-enjoy ako ngayong araw. I love you, Sab." I said and inakbayan ko siya.

"I love you too, Pochi. Don't worry, everything will be okay." Sabreena uttered, "Let's go home."

After namin sa planetarium, hinatid ko muna si Sabreena sa dorm niya bago ako bumalik sa dorm namin.

Habang naglalakad ako pabalik sa room...

Phone beeping!

Nakita ko na nag post ulit si Primo sa IG niya kasama si Zion sa isang park at naglalaro sila ng Uno cards.

"Having so much fun playing with @Zion_Sama! Panalunin mo naman ako sa Uno! Haha 😅"

Ako dapat 'yung kalaro ni Primo ngayon eh! Ako 'yung kasama niya, ako 'yung nangungulit sa kanya, ako lahat!

Ano ba kasi 'tong p*tang inang pagmamahal na 'to eh!

Hindi ko nga din alam kung mahal ko ba si Primo o hindi!

Bakit ngayon lang? Bakit kung kailan wala na siya? P*tek 'yan!

Pumasok ako sa room at nandoon pa si Lawrence na nakahiga at naglalaro sa phone niya.

"Oh, bro, ang aga mo umuwi ah? Dati kapag may lakad ka, ginagabi ka na lalo na kapag kasama mo si..." Lawrence said at napatigil siya sa saglit, "Sorry... hindi ko na dapat sinabi."

Hindi ko na rin sinagot si Lawrence at tumungo agad ako sa cabinet kung saan ko tinatago 'yung mga bote ng gin at binuksan ko ang isa.

Kahit ayaw kong lumaklak ng purong gin, ewan ko, gusto kong laklakin kahit walang halo.

Naiinis ako! Nanggigigil ako! Nagagalit ako...

At nalulungkot ako.

"Uy! Bakit ka iinom, bro? May nangyari ba?" Lawrence asked.

"Gusto ko lang uminom. Di pa ko nakakainom matagal na eh." I answered at sinimulan ko ng tunggain 'yung bote ng gin at damang dama ko 'yung pait at init na gumuguhit sa lalamunan ko.

"Tsk!" Lawrence uttered and tumayo siya at kinuha niya 'yung bote na hawak ko.

Pagkatapos, nilagay niya sa isang table at kumuha rin siya ng mga chips at isa pang shot glass.

"Pag-usapan natin 'to, Cholo. Wag mo sarilihin." Lawrence said and nilagyan na niya ng gin 'yung shot glass niya habang ako naman, umupo na rin sa harap niya.

Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon