Calvin's POV
"Anong ibig sabihin ng nararamdaman ko, Klein? Pwede mo ba ipaliwanag?" Eithan asked, "Yung pakiramdam ko nakikiliti 'yung tiyan ko kapag nakikita kitang masaya?"
"Ahh? Ayun ba? Hmm... Baka natatawa ka lang, Eithan. Mukha kasi akong tanga di ba? Natatawa ka so pakiramdam mo nakikiliti 'yung tiyan mo." I answered and sana 'yun ang itatak niya sa utak niya! Utang na loob!
"Hayaan ko na lang ba muna?" Eithan asked.
"Yup! Hayaan mo na lang, Eithan. Wala lang 'yan." I said and smiled at him.
"Okay." he answered and smiled back at me.
"Uwi na tayo?" I asked.
"Tara." Eithan uttered and bigla niya inabot 'yung kanang kamay niya sa akin.
"Hmm? Para saan 'yang kanang kamay mo?" I asked.
"Baka gusto mo hawakan ulit, Klein." Eithan said with a serious face.
"Baliw ka, Eithan! Baliw! Baliw! Baliw!" I jokingly exclaimed, "Tara na nga!"
Nagsimula na kami ni Eithan maglakad at ito na siguro 'yung pinakatahimik namin na point. I mean, hindi sa naubusan ako ng topic, pero pakiramdam ko, parang okay lang sa akin na hindi ako magsalita kapag katabi ko si Eithan. 'Yung tipong okay na ako na walang ginagawa basta katabi siya at hindi ko alam kung bakit parang contented na ako.
Hala! Baka nagagaya na ako kay Eithan na nagiging tahimik? Nako nako! Mamaya niyan wala na rin ako kinakausap!
Pati ako nababaliw na din!
As soon as nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Eithan tumigil na ako sa paglalakad pero siya tuloy pa rin kaya sinigawan ko na...
"Hoy! Eithan! Andito bahay mo, lumampas ka na!"
Then, tumalikod siya para kausapin ako, "Alam ko."
"Oh, alam mo naman pala eh. Bakit mo nilampasan?" I asked habang naglalakad ako papalapit sa kanya.
"Ihahatid kita sa tapat ng dorm niyo." Eithan said with a serious face.
"Baliw! Bakit mo ko ihahatid! Ano ako, babae? Potek ka talaga, Eithan! Kaya ko sarili ko!" I exclaimed.
"Sigurado ka? Okay lang na hindi kita ihatid? Sinamahan mo kasi ako bumili, kaya gusto kita samahan pauwi." Eithan said.
"Oo! Sigurado ako kaya ko na umuwi! Sige na! Bumalik ka na sa bahay mo! Alis!" I exclaimed.
"Hindi ka galit?" Eithan asked.
"Mas magagalit ako kung ihahatid mo ko sa tapat ng dorm namin!" I shouted.
"Okay, uuwi na ako. Ayaw kong magalit ka, Klein." Eithan said.
"Bilisan mo, Eithan. Nakakunot na noo ko. Nagagalit na ako oh..." I said habang kinukunot ko na 'yung noo ko.
"Ingat pauwi, Klein. Text mo ko kapag nakauwi ka na." Eithan said.
"Eithan, 10 minutes lang 'yung lakad ko mula dito. Tsaka bakit ako magtetext?" I asked.
Hindi sumagot si Eithan at nakatingin lang siya ng diretso sa akin. 'Yung tingin na naman niya na baka mapatay niya ako!
"Oo na! Mag te-text na ako sayo kapag nakauwi na ako! Pumasok ka na nga sa loob!" I exclaimed.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
RomanceThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...