Calvin's POV
After ko malaman 'yung kay Primo... isa lang ang masasabi ko sa sarili ko... P*tang ina mo, Calvin!
G*go! Inaasar ko si Primo kanina pa about sa nakuha na sa kanya si Pocholo, tapos hindi na magiging sila, and in the end grabe pala 'yung impact sa kanya.
Lagi ko kasi nakikitang nakangiti si Primo tapos masaya lang siya. Never ko inexpect na ganito na pala kalalim 'yung feelings niya at 'yung iniiyak niya para kay Pocholo... for the longest time.
"Eithan, labas na tayo." I whispered and hinila ko si Eithan palabas ng C.R. As soon as nakalabas na kami, "Eithan... wag mo sasabihin kay Primo na narinig natin 'yung secret niya about kay Pocholo ah?"
"Bakit, Klein?" Eithan asked.
"Hindi ko kaya kausapin si Primo about doon eh. Natatakot ako... What if masira 'yung friendship nila dahil doon? Pre... masisira 'yung tropa natin kung sakali." I said to Eithen.
Hindi na sumagot si Eithan, but he gave me a faint smile and caressed my hair.
Pero... di ako mapapalagay, sa tulad nina Pocholo at Primo, ang tagal na ng pagkakaibigan nilang dalawa, tapos dahil lang sa pagmamahal na 'to, masisira lang lahat?
Napatingin ako kay Eithan bigla...
What if ganito mangyari sa amin ni Eithan? Sayang din 'yung friendship namin dalawa na nabuo na...
If walang mangyayaring maganda kina Pocholo at Primo once na magkaaminan sila... malamang sa malamang, ganito din 'yung possible na mangyari sa amin ni Eithan.
Parang ayaw ko na ituloy 'yung sa amin ni Eithan... natakot ako bigla!
"Prii! Kanina pa ba kayo naghihintay? Sorry! Najebs ako bigla. Hindi ko alam, may nakain ata akong hindi maganda!" Primo said while laughing at us and mukhang okay na okay siya... sa panglabas.
Ewan ko, nasasaktan ako para kay Primo. Parang... ako 'yung nakakadama ng sakit na tinatatago at dinadala niya.
Hangga't kaya ko itago, itatago ko muna... Hindi ko kaya masira 'yung pagkakaibigan namin.
"Prii! Hindi, nagtingin-tingin muna kami ni Eithan ng mga pwedeng mabili na pasalubong. Ano, hanap tayo ng machichicha dito? May kwekkwek kaya sila?" I jokingly said at kahit alam kong wala... gusto ko lang muna maging masaya si Primo. Naaawa ako para sa tropa ko.
Then, Primo laughed at me.. 'yung tawang tawa na akala mo walang bukas.
"Prii! Wag kang tanga, walang nagtitinda ng kwekwek sa beach! Haha! Kung gusto mo, lalabas pa tayo at doon tayo sa city proper bibili. Doon magsawa ka sa kwekwek hanggang magkahepa ka!" Primo jokingly said.
Mas okay na 'to, 'yung ganito muna. Kahit na tinatakpan ko ng bandaid 'yung sugat na hindi natutuyo, hangga't kaya ko, gagawin ko.
"Prii, saan mo muna gusto gumala? Hindi pa naman tayo hinahanap eh." I asked him.
"Inaantok ako, Prii. Pwede bang matulog na lang ako sa room muna?" Primo asked.
"Sama kami ni Eithan. Bigla din kaming inantok eh." I said and siniko ko si Eithan, "Di ba, Eithan? Inaantok tayo?"
Then, humikab si Eithan para kunwari inaantok talaga siya. Haha!
"Doon kami sa room mo makikitulog muna! Pwede ba, Primo?" I asked him... since sa mga pagkakataon na 'to, di namin pwede iwanan si Primo mag-isa. Kasi kapag ginawa namin 'yun, iisipin niya na mag-isa lang siya... at baka lalong lumala 'yung lungkot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/290857163-288-k328264.jpg)
BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
RomanceThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...