Calvin's POV
Phone Ringing!
P*tang ina... ang aga aga... 2 a.m. pa lang! Sino 'tong tumatawag!
Binuksan ko 'yung loud speaker ng phone ko since kaunti pa lang ang tulog ko and sobra pa akong relaxed na relaxed matulog sa kama ni Eithan at balot na balot ng kumot...
Saglit? Kagabi nasa sofa pa kami ah? Binuhat na naman ba ako ni Eithan ng hindi ko alam o kusa ako pumunta sa kama niya?
Anyway...
"Sino 'to?" I asked since hindi ko na tiningnan kung sino 'yung tumatawag dahil sa antok ko.
"Bakit parang tulog ka pa, prii?" the guy uttered and it was Primo.
"Prii... anong tanong 'yan? 2 a.m. pa lang. 3 hours pa lang tulog ko, utang na loob." I answered.
"Sa bus ka na matulog! Gumising ka na!" Primo shouted.
"Anong bus? P*tang ina 'yan..." I said.
"Calvin? Prii? Lasing ka ba talaga kahapon at wala ka matandaan?" Primo said.
"Bakit? Anong meron?" I asked.
"Hala, p*ta ka, Calvin! Sabi mo sasama tayo sa retreat ng swimming team! Hindi nga ako dapat sasama kaso pati ako dinamay mo! Biglaan din 'yung yaya nila Pocholo tsaka Lawrence kahapon kasi nga alam nila na busy kayo gumawa ni Eithan ng music. Tumayo ka sa harapan nila tapos niyuyugyog mo sina Pocholo tsaka Lawrence na isama ka. Naglupasay ka pa nga na para kang uod na binudburan ng asin sa sahig kasi gusto mo pumunta ng beach sabi mo. Tapos pinipilit mo si Eithan na sumama din. Nakalimutan mo na ba?" Primo said.
Napadilat ako nang malala...
"P*ta! Bakit wala akong matandaan!" I exclaimed.
"Sinasabi ko na nga ba! Dapat hindi ka nila tinanong noong nakainom ka. Kasama ka na sa countdown, prii! 2:30 a.m. tayo aalis. May 30 minutes ka na lang para mag prepare." Primo said, "Hintay ka namin sa tapat ng school. Nandoon na 'yung bus. Ingats!" he added and ended up the call.
Anong retreat! Anong bus! P*ta! Wala akong maintindihan! G*go! Wala akong maalala na sasama ako sa retreat!
Frying pan sizzle!
Nang marinig ko na may nagluluto... alam ko si Eithan 'yun kaya nagmadali ako na tumungo sa kitchen.
"Eithan!" I shouted at gulat na gulat ako. Nakita ko si Eithan na nakabihis na habang nakasuot ng apron at p*ta... naka-ready na siya!
"Gising ka na pala, Klein. Kumain ka na muna." Eithan said habang nilalagay niya na 'yung hotdog at itlog sa isang plate. At may nakahanda pa na toasted bread and juice sa table!
"Eithan! Sasama daw tayo sa retreat? Bakit wala ako matandaan!" I exclaimed.
"Lasing ka na kahapon. Hindi sana ako papayag, kaso nagagalit ka sa akin. Kaya... kasama tayong dalawa." Eithan said.
"Biglaan! Hindi pa ako nakakapag-impake! Kulang damit ko, wala akong gamit! Kahit sa anong galaan mentally prepared ang utak ko, pero hindi ako physically prepared ngayon! Malalate tayo!" I shouted pero si Eithan sobrang kalmado lang talaga at nakangiti lang sa akin.
"Kumain ka na, Klein. Wag mo na isipin 'yung mga gamit mo. Inayos ko na para sayo." Eithan said.
"Huh? Kailan? What?" I asked out of shock.
"Sabi mo kagabi gusto mo na matulog sa kama tapos nagpapabuhat ka sa akin. So, binuhat na kita sa kama tapos inayos ko na 'yung mga gamit natin kasi alam ko magugulat ka the next day." Eithan answered habang nilalagyan niya na ng toasted bread, hotdog and egg 'yung plate ko at nilalagyan niya rin ng juice 'yung baso ko at nahihiya ako dahil nagpabuhat pala ako sa kanya! "Kumain ka na, Klein. Wala ka ng poproblemahin, inayos ko na lahat. Pagkatapos mo kumain, maligo ka na at ako na maghuhugas."
![](https://img.wattpad.com/cover/290857163-288-k328264.jpg)
BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
Roman d'amourThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...