Calvin's POV
Alarm ringing!
"Pakipatay... please... naiirita ako." I uttered habang nakapikit pa ako at sarap na sarap ako sa pagtulog ko.
Afterwards, agad namang pinatay ni Eithan and it felt really silent... too silent na alam kong may nangyayaring hindi na maganda sa paligid ko.
Kaya naman agad ko dinilat ang mga mata ko at unang una kong nakita... ay si Eithan na nakangiti at nakatitig lang sa akin.
"Good morning, Klein." he gently said while smiling at me.
"T*ng ina mo, Eithan, pinakaba mo ko. Akala ko kung anong nangyari kaya ang tahimik." I said and pinikit ko na ulit ang mga mata ko, "Good morning. Excited ka na ba para sa pageant mo mamaya?"
"Nope, I'm not excited about that. I'm more excited on what's going to happen later." Eithan said and he started to caress my hair using his fingers, "I have a feeling that it will be a very magical night later."
"Feeling mo lang 'yan, Eithan. Basta ako, papanoorin lang kita na manalo habang kumakain ng lumpia!" I jokingly said, but... inside of me, hindi ko lang masabi kay Eithan... na gusto ko talaga siyang makasayaw mamaya.
"Did you tell your brother already what happened to your parents?" Eithan asked, then doon na ako dumilat ulit at tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"Yup... kilala niya daw 'yung dad mo since nandoon pa rin daw sa kanya 'yung wallet na binigay sa kanya bago kami pumunta ng bahay ampunan. Biruin mo, Eithan, ang galing no? Pinaglayo tayo ng mga nangyari before... kaso, nagkita pa rin talaga tayo. Ang kakaiba pa, kung paano nila papa tayo gustong magkita, ganoon na ganoon. Tsaka parehas din kung paano sila nagkakilala." I said to Eithan.
"It's amazing, isn't it? Alam ko na rin kung bakit ka makakalimutin and why it was me that you always tend to forget... it's because tinatak ni Dad sa puso at isip mo. Ang nakakainis lang, Klein, why did you have to name me Edilberto. Edi sana hindi mo ko nakalimutan that time." Eithan said.
"Okay na 'yan, nandito pa rin naman tayo... ngayon magkatabi. Ibig sabihin... we're meant for each other." I said to him.
"Does it mean na pumapayag ka na na maging boyfriend ko ulit?" Eithan asked while smiling.
"No! Hindi pa ako pumapayag! Papahirapan pa kita, Eithan." I jokingly said, "Pero ang daya! Ako dapat manliligaw kasi si Papa 'yung nanligaw dati eh! But, thank you ng sobra sobra sa dad mo kasi kung hindi dahil sa kanya, wala na ako dito."
"Things have changed, Klein. Isa pa, we're not our parents. They're different from us and we have our own personalities. But don't worry, Klein, ako naman ang magbabalik sa ginawa ng papa mo kay Dad for making sure that he's safe. Yes, I'm also very grateful sa ginawa niya para sayo. Now, It's my time, I'm going to make sure that you'll always be safe." Eithan said and gave me a gentle kiss on my forehead.
"Eithan..." I uttered.
"Yes, Klein?" he asked.
"Sino nagsabing halikan mo ko jan sa noo?" I asked.
"I'm sorry, Klein. Pupunasan ko na lang." Eithan said.
![](https://img.wattpad.com/cover/290857163-288-k328264.jpg)
BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
RomanceThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...