Calvin's POV
Nakatayo lang ako sa tapat ng salamin sa room sa dorm at tinitingnan ko 'yung sarili ko habang nakasuot pa ako ng school uniform.
Do I still look okay? O kaya mukha ba akong masamang tao? O kaya naman pangit ba ako? Oh baka ako pala 'yung may mabahong hininga kaya siguro ayaw akong kausapin ni Eithan? Haha!
Door squeaking!
As soon as the door opened up, it was Kuya William at may dala siyang plastic ng mga ingredients para sa lulutuin niyang ulam for dinner.
"Oh? Ano ginagawa mo d'yan sa tapat ng salamin, Calvin? Bakit mo tinitingnan sarili mo? Di ka kakausapin niyan." Kuya William asked habang nilalapag niya na 'yung plastic bag ng mga binili niya sa mini kitchen sa room namin.
"Kuya William, mukha ba akong nakakatakot? Mukha ba akong hindi palakaibigan? Mabaho ba hininga ko? Amuyin mo nga?" I asked him at nilapitan ko siya para bugahan ng hininga ko. Haha!
"Huh? Kadiri naman 'to oh! Baliw! Anong sinasabi mo?" Kuya William asked.
"Sa dati nating school sa Bicol, ilan kaibigan ko?" I asked him.
Napatingala pa si Kuya William at nagbilang, then he answered my question, "Parang lahat naman ata kaibigan mo dati sa school sa Bicol. Wala ka nga pinapalampas at lahat ng tao kilala ka sa school eh. Paano, kinakaibigan mo lahat."
See? I'm Mr. Congeniality! I'm the most friendly sa school back then! But why can't I be friends with my seatmate?
I sighed deeply and napansin ni Kuya William kaya napatanong ulit siya, "Oh, ano nangyari? Kamusta first day? Parang lugmok na lugmok ka ah?"
"Okay naman. May mga bago akong kaibigan." I answered him.
"May bago ba doon, Calvin?" he said.
"Lahat sa classroom mga kaibigan ko na, first day pa lang. Kaso... may isa akong classmate sa room na sobrang ilap! Tapos, seatmate ko pa!" I exclaimed.
"Oh? Bago 'yan ah? Madali ka lang makipag-close, pero parang may katapat ka na ah?" Kuya William said habang nag papakulo na siya ng tubig sa isang pot.
"Ang sabi kasi ng mga classmates ko, 'yung seatmate ko na 'yun, galit daw sa mundo. Tapos, wala daw siyang kinakausap kahit isa. Ang alam niya lang din na mga salita 'Tch' tsaka 'Tss'." I exclaimed and tinulungan ko na siya maghiwa ng mga gulay.
"Edi hindi ka makatiis niyan ngayon? Di ba ayaw mo ng may taong hindi mo makausap ng maayos?" Kuya William asked.
"'Yun na nga, Kuya William! Hindi ko mapigilan sarili ko. Basta nasa utak ko, soon, magiging close din kami noong seatmate ko na 'yun." I exclaimed.
"Lalake ba o babae?" he asked.
"Lalake." I answered.
Then, napangisi siya sa akin at nanliit 'yung mga mata niya and he said, "Mahilig ka na sa lalake ngayon, Calvin?"
"Takte ka, Kuya William! Hindi ako mahilig sa lalake! Hindi lang ako makatiis kasi ayaw ko ng tao na hindi ako o hindi ko makausap ng maayos! Lalo ako nacha-challenge, since dapat, maging kaibigan ko lahat." I answered him.
"Kaya mo 'yan. Magiging close din kayo sa susunod. Hindi ka naman mahirap pakisamahan. Baka kailangan mo lang alamin kung saan siya interesado?" Kuya William said.
"Paano ko aalamin eh hindi nga nakikipag-usap tsaka mailap din." I answered.
Kuya William, then, smirked at me and said, "Edi sundan mo."
BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
RomanceThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...