Chapter 15 - Snacks pa more

164 19 44
                                    

Calvin's POV

As of now, since naka break pa kami before ng last subject, nasa room lang kami nina Eithan, Primo and Pocholo at naglalaro kami ng Uno cards at chill chill lang since bati na kami ni Eithan.

"Nakakainis naman 'to si Eithan eh! Laging nananalo eh! Madaya 'to, may cheat 'to na ginagamit!" I exclaimed habang sinisilip ko 'yung mga Uno cards na hawak niya.

"Di ka lang talaga magaling sa Uno, prii, tanggapin mo na ang katotohahan." Primo said to me.

"Kung sino 'yung last sa ating apat... siya sasagot ng lunch bukas!" Pocholo said.

"Takteng 'yan! Ako lang matatalo dito mga de-p*ta kayo!" I exclaimed habang tinitingnan ko mga cards ko at puro numbers lang! Wala man lang special cards! Tapos Tig dalawa na lang sila na cards tapos ako may apat pa! P*ta 'yan!

"Klein." Eithan whispered at lumapit siya sa akin, "Gusto mo manalo?"

Then, I nodded so fast and smiled at him na parang bata since mukhang tutulungan ako ni Eithan!

"Uy! Uy! Uy! Ano 'yan? Bawal tag team dito! Calvin at Eithan, ayusin niyo buhay niyo!" Pocholo said.

Then, I looked at Eithan at nakangiti lang siya.

Natutuwa ako since nagiging comfortable na si Eithan kina Pocholo and Primo kahit papaano.

Tapos, nagbaba na si Eithan ng card na "+4" which means madadagdagan ng 4 cards 'yung next sa kanya which is si Primo, then skip a turn siya.

"Tsk! Tag team! Maduga 'tong dalawang 'to!" Primo said.

"Wag na mag side comment, bumunot na lang!" I said while laughing, "Ikaw na, Cholo."

...

...

...

After ng ilang rounds...

"Uno!" I shouted since ako 'yung unang nakauno sa amin at sobra akong masaya dahil hindi na ako manlilibre ng lunch bukas! Thanks to Eithan!

At sa sobrang saya ko, hindi ko na napigilan... bigla akong napayakap kay Eithan ng hindi sinasadya! Oo hindi sinasadya! Mga de-p*ta kayo!

"Oops... bakit may nagyayakapan?" Pocholo asked.

Then, biglang nanlaki 'yung mga mata ko at kumalas agad ako ng yakap kay Eithan.

"Nadala lang, pre! Bawak magyakapan 'yung mga mag bestfriends? Halika dito, yakayakapin din kita, Cholo!" I exclaimed.

"Sus, palusot pa... Calvin, wag kami ni Pocholo." Primo said.

"Anong wag kayo? Maglaro na kayo! Galing ko talaga mag laro ng Uno! Tatanga niyo lahat! Galingan niyo naman!" I jokingly said.

"Sus, pinanalo ka lang ng asawa mo eh." Primo said.

"Asawa?" Eithan suddenly asked.

"Wala 'yun, Eithan! Wag mo na intindihin 'yun!" I said to Eithan since pakiwari ko kapag nalaman niya 'yung sa asawa na part... baka gusto niya mag level up agad from bestfriend to asawa! Lintik 'yan!

"Oo, gusto mo ba maging asawa si Calvin, Eithan?" Pocholo jokingly asked.

"P*tang ina niyo, mga prii... nakakatulong kayo sa buhay ko!" I exclaimed.

Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon