Chapter 45 - Misunderstood

104 12 41
                                    

A.K.'s POV

As of the moment, I'm at my bed at nagpapaantok na lang ako habang nagtitingin ng mga pictures sa phone ko... nang biglang may kumatok sa pinto ng room ko.

As soon as I opened the door, nakatayo si William sa labas ng room ko at may dala siyang isang unan... specifically a hotdog pillow?

"William, why are you here?" I asked him.

"A.K. pwede ba ako matulog dito sa kwarto mo?" he answered.

"Why? Sira ba aircon mo or may sira sa room ngayon?" I asked once more.

"Ahh... Oo, sira 'yung aircon. Okay lang ba?" William answered.

"Tara, William." I answered back with a smile and pinapasok ko na siya sa loob ng kwarto ko.

Sasabihin ko pa lang sa kanya na pwede siyang matulog doon sa vacant ko na kwarto, however, William went straight ahead to my room.

At pagpasok ko nandoon na siya nakahiga sa carpet sa tabi ng kama.

I walked towards him and stood beside him as well.

"Bakit ka nandyan, William? Bakit hindi ka sa kama ko mismo matulog?" I asked him.

"Pwede na ako dito, A.K." William answered.

"Baliw ka, William! Dito ka na sa kama ko matulog. Okay lang naman sa akin kung magkatabi tayo eh." I answered him back at humiga na ako sa kama ko.

"Nahihiya ako, A.K. Pwede na ako dito. Pramis!" William answered.

"Ayaw ko ng may natutulog sa sahig. Parang ako 'yung nagiging uncomfortable kapag gano'n." I said to him.

"Edi wag mo isipin na nandito ako natutulog, A.K." William said.

After a while kinuha ko ang kumot at ang pillow ko, then, I stood up from my bed at nilagay ko 'yung pillow ko sa tabi niya at doon ako humiga.

"A.K.! Bumalik ka sa kama mo! Sabi ko sayo okay lang ako dito." William exclaimed.

"Nope! Kung ayaw mo matulog sa kama ko, edi dito tayo sa sahig. O kaya doon ako sa kabilang room para sa kama ko ikaw matulog." I said to him.

After a while parehas na kaming nakahiga ni William sa sahig na magkatabi at nagtatama ang right and left arm habang nakatingin lang sa ceiling ng kwarto ko.

"Ayoko, dito na lang tayo sa sahig kung gano'n din lang naman." William answered and sighed.

"Bakit, William? Is there something bothering you?" I asked him.

William sighed deeply again and said, "Meron... at naiinis ako." he answered.

"About what? Pwede mo sabihin sa akin, William." I said and looked at him while smiling.

But, William didn't looked back and nakatingin lang ako sa gorgeous side profile niya kung saan makikita mo talaga 'yung pagkakatangos ng ilong niya and his jaws that are lightly chiseled which really looks sexy.

"Hindi ko alam kung kaya kong sabihin, A.K." William said with a worried tone.

"Try me, William." I uttered.

William, then, smiled and closed his eyes at nagbuntong hininga ulit siya.

"Sino 'yung katabi mo kanina sa school cafeteria, A.K.? 'Yung nagbigay sayo ng frappe?" William asked as soon as he opened his eyes and nakatingin lang ulit siya sa ceiling ng room.

Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon