Chapter 50 - Dreams

129 11 37
                                    

Calvin's POV

"This is our last practice! What the hell? Anong problema, Eithan? Bakit wala ka sa hulog?" Red shouted furiously, "Ayaw ko sana mag practice bukas so that we can rest the day before the contest. But 'yung pinapakita mo nababahala ako! And it seems na dapat tayo mag practice if ganitong performance ang pinapakita mo!" he added.

Sobrang tahimik ng lahat at kahit ako, hindi ko alam kung anong meron kay Eithan. Basta pag-gising ko kaninang umaga, nakaupo siya sa swing niya sa garden, nakatingala sa langit at parang ang lalim ng iniisip. Tinanong ko din siya kung ano, kaso hindi niya sinabi sa akin tapos niyakap niya na lang ako.

"I'm sorry..." Eithan said pero nakatingin siya sa akin.

"I'm sorry? Hoy Calvin! Wag mo sabihin na nag-away kayo ni Eithan? Kaya ganito 'yung performance na pinapakita niya? Wala sa hulog! He's not in sync with us!" Red shouted.

"Hala hala! Hindi kami nag-away ni Eithan! Gusto niyo mag torrid kissing pa kami sa harap niyo para malaman niyo na hindi kami magkagalit eh!" I answered.

Hindi pa rin sumagot si Eithan at nakatingin lang siya sa akin na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

"Pagod lang siguro si Eithan, Boss Red. Hayaan mo, ako bahala. Sa bahay kami magpapractice ng maayos. Wag niyo na masyado aalalahanin." I said while smiling... but deep inside, kininabahan ako sa kinikilos ni Eithan.

"You better be!" Red shouted and sighed deeply afterwards, "Naniniwala ako sa galing niyo so I hope on the day of the event, magiging okay ang lahat. Go, we won't be able to practice sa ganitong state ni Eithan."

Pagkatapos, lumabas na agad si Eithan sa Music Club room at naglakad siya nang napakabilis, kaya naman hinabol ko agad siya hanggang nakarating kami sa motorcycle parking lot sa school.

"Eithan, ano problema? Kaninang umaga ka pa parang wala sa hulog. Pwede mo sabihin sa'kin kung nababahala ka? Kinakabahan ka ba sa contest natin?" I asked him and nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"I love you, Klein. I can't live without you..." Eithan said with a worried look, "I'm scared."

"Sus! Eithan! Wag ka kabahan sa contest. Sabi mo nga, magkasama tayo! Gusto mo painumin din kita ng beer para mawala kaba mo? Kasi ako oo iinom ako ng beer! Haha!" I said and laughed at him.

Then, Eithan gave me a faint smile and patted my head gently, "Klein..." he uttered.

"Bakit, Eithan?" I asked him, "Gusto mo ba na maglaro tayo para hindi ka kabahan? Susuutin ko naman 'yung cat outfit kung gusto mo?" I jokingly said.

"It's not that, Klein." Eithan said, "I would like to ask you, Klein, if for example, nalaman mo na may buhay ka pang family aside from William, kunwari, your grandfather, how would you react?"

"Kunwari lang naman no? Kasi sa pagkakaalam ko lumaking walang parents si papa... o kaya naman grandparents ko sa side ni mama pero sabi patay na daw sila... Pero just in case, matutuwa ako pramis!" I answered and I smiled at him, "Magpapalibre ako ng eat all you can sa kanya! Haha! Kasi di ba gano'n ginagawa ng mga lolo o kaya lola? Ini-ispoil nila mga apo nila? Tsaka kahit wala na 'yung parents ko, at least may lolo pa ako kahit hindi ako lumaki sa kanya."

Then, Eithan held both if my cheeks and gave me a quick, soft and tender kiss.

" Hoy! Eithan! Nasa school parking lot tayo! Mamaya may makakita sa atin at sumikat pa tayo sa school news feed! Alam mo naman na active 'yung mga fujodanshi dito sa school! Baliw ka talaga! Sa bahay mo tayo mag mukhbang! Tara!" I jokingly said.

Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon