Chapter 33 - Tuxedo

179 15 81
                                    

Calvin's POV

P*tang ina! Di ko na alam gagawin ko sa dalawang 'to! Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila!

Nagmumurahan lang ata sina Eithan at Akihiro eh!

Phone ringing!

Pagkakita ko sa phone ko, tumatawag si Primo kaya sinagot ko kaagad since baka urgent.

"Kalbin!" Primo shouted on the other line.

"Ano 'yun!" I shouted back.

"Nandyan ba si Eithan ngayon?" Primo asked.

"Oo! Nagmumurahan sila ni Akihiro! Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nilang dalawa! Puro Japanese tapos ang seryoso nila!" I exclaimed.

"Pabalikin mo si Eithan dito! Hinahanap siya baka pagalitan 'yung section natin." Primo said.

"Tingnan ko, Pri, kung kaya ko... mukha kasing medyo nagbabaga na 'yung dalawang 'to eh." I answered.

"Huwag mo tingnan! Kayanin mo! Kailangan makabalik si Eithan dito! Ikaw lang makakapag pabalik sa kanya dito. Hindi namin siya napigilan kanina eh. Bakit kasi wala ka dito eh!" Primo said.

"Oo na! Pababalikin ko na siya. Ako bahala. Bakit kasi nandito 'tong dalawa na 'to. Gusto ko lang naman mag grocery ng payapa! O sige na! Pabalik na kami dyan." I said and ended the call afterwards.

Then, habang nagsasagutan sina Eithan and Akihiro at nag-uusap ng Japanese, hinablot ko bigla 'yung basket na walang laman na pinagaagawan nila kaya napatingin sila sa akin.

"Eithan, babalik na tayo sa school hall. Sa susunod na lang tayo mag grocery! May rehearsals ka pa! Tumatakas ka pa ah!" I said to him.

"Okay po, Klein." Eithan answered and lumapit na siya sa akin.

"Tsk! T*ng ina sa 'Po'! Tigil mo nga 'yan!" I exclaimed, "Ikaw, Akihiro? Dito ka lang ba muna sa grocery?"

"Hindi na. Pabalik na din ako sa school. Sabay na ako sayo, Calvin-chan." Akihiro said while smiling.

"Calvin-chan?" Eithan uttered while squinting his eyes and looking at Akihiro.

"Oh oh... Bawal gumawa ng gulo dito. Tara na nga mga hinayupak kayong dalawa!" I exclaimed at hinila ko na silang dalawa palabas ng mall since pinagtitinginan na kami ng mga tao.

...

...

...

Pagbalik namin sa school hall, agad kami sinalubong ni Primo at aligagang-aligaga siya.

"Bilisan mo, Eithan! Nagdahilan na lang kami na LBM ka! 'Yung ang sabihin mo ah?" Primo said

"Hindi naman ako natae. Pinuntahan ko si Klein." Eithan said at napafacepalm na lang kami ni Primo.

"Eithan, pre, magsinungaling ka na lang... basta kapag tinong ka kung saan ka galing, sabihin mo nag LBM ka pero okay ka na." I said to him.

"Okay, Klein." Eithan said.

"Sige na, Eithan... bumalik ka na doon sa pwesto niyo!" I exclaimed.

"Pwede bang sumama ka na lang, Klein?" Eithan asked.

"Ano ka, batang ayaw mawalay sa nanay?" I exclaimed.

Eithan nodded at 'yung tipong nagpapaawa na akala mo pusa!

Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon