Primo's POV
"Tara, pri! Libre kita! Sorry na talaga. Pati 'yung nasapak kita... kalimutan mo na please please please?" Pocholo said as he massages my shoulders habang nakatayo siya sa harap ko.
I smiled at him and said, "Okay lang, Cholo. Alam ko naman na hindi mo sinasadya 'yung kanina. Kilala naman kita. Alam ko intense ka pagdating sa sports."
"Dahil dyan, may nakita akong palabok dito 'yung maraming toppings! Di ba naghahanap ka ng gano'n?" Pocholo said.
"Hala! Meron dito?" I asked while smiling brightly at him.
"Tara dali! Gusto mo isang bilao pa iorder ko sayo!" Pocholo jokingly said and hinila niya na ako papunta sa isang restaurant.
Pagpasok namin sa loob, pinaupo ako ni Cholo malapit sa may bintana para nakikita namin 'yung ganda ng beach habang kumakain ng palabok na sobra kong favorite, habang siya naman umoorder ng kakainin ko.
Ito 'yung gusto ko... 'yung kaming dalawa lang ni Cholo. Sana ganito na lang kami araw-araw. 'Yung tipong pagkatapos niya akong awayin... susuyuin niya ako.
"Pri! Ito na 'yung palabok mo! Mainit init at sabi ko damihan ng chicharon na malutong-lutong!" Pocholo said at nilapag niya 'yung plate ng palabok sa harap ko. Then, nilagyan niya na rin ng calamansi, "Dalawa't kalahating calamansi lang..." he uttered and pinisil niya na 'yung calamansi habang hinihiwalay niya 'yung mga buto.
Alam na alam talaga ni Cholo kung paano ako kumain. Kaya naman paano ako hindi mahuhulog sa kanya, alam niya 'yung mga gusto ko...
Isa lang ang hindi niya alam sa mga gusto ko... at siya 'yun. Haha!
"Ako na rin maghahalo, Pri, kasi ang dami ko kasalanan sayo. Marami kong inutos sayo kahapon, tapos ako pa 'tong nagalit kanina dahil lang sa laro... kaya sorry talaga..." Pocholo worriedly said
I smiled at him since masyado siyang concerned sa feelings ko.
"Sabi ko nga sayo, Cholo, okay lang ako. Tsaka hayaan mo na 'yun. Kalimutan na natin 'yung kanina. At least ngayon okay na tayo." I answered.
"Labyu, Pri!" Pocholo said while grinning at me.
Sana 'yung 'Labyu' niya ay hindi na lang as tropa... but sana as a boyfriend, but I know for a fact na wala talaga...
Nevertheless, sobrang saya ko ngayon since nagkukwentuhan kami ni Pocholo just like the old days. Namiss ko siya actually dahil lagi niya kasama si Sabreena lately and hindi niya na ako nasasamahan.
But I get him, ano ba naman ang laban ko sa girlfriend? Ako lang naman 'tong isang hamak na bestfriend na nandito na simula grade 1 and road to forever na ata! Haha!
"Pochi!" someone uttered from the restaurant's entrance and pagkatingin ko... it was Sabreena.
Tapos na 'yung happy hours ko. Bawal na ba mag extend? Saya ko na eh... sana naman maya-maya na siya sumulpot.
"Sab! Tara dito!" Pocholo said as he smiles at Sabreena as if nakakita siya ng ray of sunshine.
Then, umupo si Sabreena sa tabi ni Pocholo and kaharap ko silang dalawa ngayon.
"Pri..." Sabreena said with a worried tone, "Okay ka na? Magsosorry din ako dahil sa kanina."
"Ay... okay na ako, Sab. Don't worry!" I said while smiling at her.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
RomanceThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...