Primo's POV
"Pri, lalabas na ako, puntahan ko lang si Sabreena. Boyfriend duties alam mo na. Haha!" Pocholo said as he removed his hands from my head.
Please...Pocholo wag mo na ako bitawan at wag ka na umalis. Dito ka na lang sa tabi ko, please?-Ang salitang hinding hindi ko kaya sabihin sa harap niya.
Gusto ko magmakaawa sa kanya pero hindi pwede. Para saan pa?
Tumayo na siya at nakangiti lang siya sa akin na naglalakad palabas ng room namin at sinarado na ang pinto.
At ngayon, mag-isa na lang talaga ako at hinahayaan ko 'yung sakit na humupa... kaso ayaw talaga. Lalo lang dumadagdag nang dumadagdag.
Ang sakit lang isipin na 'yung taong sobrang mahalaga para sa akin, 'yung madalas kong pinaglalaanan ng oras at matagal ko ng gusto... 'yung taong akala ko malapit ko na makuha, nakuha na ng iba.
Door squeaking...
Pagbukas ng pinto, may dalawang lalake na pumasok sa loob at tumayo sa entrance ng room namin...
"Pri! Dito na kami! Namiss mo ba kami ni Eithan?" Calvin shouted as he looks so happy.
Then, hindi ko na napigilan ang sarili ko... dahil sa lungkot na bumabalot sa akin, tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap ko bigla si Calvin at doon na bumuhos ulit ang iyak ko.
"Oh? Grabe naman 'yung pagkamiss mo sa'min, Pri? Sobra ka bang naiyak na nakita mo ulit kami at napayakap ka pa sa akin? Haha!" Calvin jokingly said.
"Uwi na tayo... please! Ayaw ko na! Sige na, umuwi na tayo..." I cried loudly since ang sakit sakit na din talaga. I can only rely on these two people for now dahil alam ko, nandito lang silang dalawa para sa akin.
Calvin started to caress my hair and Eithan on my back. They're like both my parents trying to comfort their little son that has been sufferring a lot...
"Ayoko na... tama na! Hindi ko na kaya! Ang sakit sakit na. Umuwi na tayo! Hindi na ko dapat sumama dito..." I continued to cry while hugging Calvin's body tightly.
"Anong problema, Pri, sabihin mo sa'min ni Eithan, makikinig kami dalawa." Calvin said while he continues to caress my hair to comfort me, "Malapit na daw 'yung first activity, gusto mo ba sumama o sabihin ko na hindi muna tayo tutuloy?"
"Ayoko muna, please... hindi ko kaya." I said to them.
"Doon muna tayo sa kwarto namin ni Eithan, tara, pri." Calvin said and I released him from my hug.
Then, I started laughing and crying at the same time while wiping my tears that are continuously flowing from my eyes which I wish would stop already.
"Sorry, ito agad 'yung bungad ko pagdating niyo ni Eithan." I said to the both of them.
"Okay lang, Pri, dito lang kami ni Eithan." Calvin said as he taps my head gently and smiles at me.
Then, inabutan ako ni Eithan ng mini Kitkat, "Baka gumaan loob mo dito."
I grabbed the Kitkat from his hand and ate it... since gutom na gutom na din talaga ako dahil simula kahapon, hindi ako nakakain ng maayos.

BINABASA MO ANG
Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)
RomanceThis is the 4th Book of Secret of a Straight Fudanshi series and the sequel to Change of Hearts Calvin(18), has just transferred to St. Patrick School of Manila and living with his brother, William. His mission was just to be living a new normal lif...