Chapter 28 - I wish I was with him.

200 12 24
                                    

Pocholo's POV

Hindi ko inexpect na si Primo... matagal na pa lang may gusto sa akin. Sa sobrang tagal, hindi ko namalayan na iba na pala 'yung tingin niya sa akin.

Though, hindi ko siya kinamumuhian, or hindi ako galit sa kanya... pero I know for a fact na kasalanan ko din naman. I had been so naive thinking na okay lang ang lahat... na iniisip ko na masaya kami ni Primo sa buhay namin bilang mag bestfriend.

Now that he admitted it to me, hindi ko na din talaga alam ang next move ko. Kasi, maaaring hindi na kami maging katulad ni Primo dati. Baka mawala 'yung closeness namin since alam ko nasaktan ko siya ng sobra.

"Pochi!" Sabreena uttered and lumapit siya sa akin habang nakangiti, "Oh, bakit sad ka?" she asked.

"Mukha ba akong malungkot?" I asked.

"Yup, kitang kita sa mga mata mo. Okay ka lang?" she asked.

"Yup... I love you, Sab." I said to her and inakbayan ko siya...

"I love you, Pochi." Sabreena said...

Sinabi rin sa akin ni Primo 'to kanina bago ko siya iniwan... pero bakit... parang iba 'yung dating ng kay Primo. Bakit... parang mas naramdaman ko 'yung pagkakasabi niya kaysa kay Sabreena?

"Tara, Pochi, nakapag impake ka na ba?" Sabreena asked.

"Hindi pa nga eh." I answered.

"Tara, doon tayo sa room niyo. Tulungan kita mag-impake." Sabreena said.

Then, I smiled at her at tumungo na kami sa room para mag impake ng gamit.

Gusto ko sana hintayin si Primo na makabalik... kaso, kapag makita niya kami ni Sabreena na magkasama, baka maiyak lang ulit siya.

Bakit kasi sa dinami-dami ng tao, bakit sa akin pa talaga na-fall si Primo. Tapos ako, hindi ko man lang din naisip na 'yung mga ginagawa ko sa kanya, nami-misunderstood niya na pala!

"Ang tanga mo, Pocholo!" I shouted out of nowhere.

"Okay ka lang, Pochi? Bakit bigla kang sumigaw? May naalala ka ba?" Sabreena asked habang tinitiklop niya 'yung mga damit ko.

Napansin ko na tinitiklop ni Sabreena 'yung isa sa mga t-shirt na binigay sa akin ni Primo... mga t-shirt na masyadong malalaki kaya sa akin niya binigay.

"Yup... sorry! Haha! May naalala akong nakakahiyang pangyayari." I said, "Akin na 'yan, Sab. 'Yan na lang susuutin ko pauwi. Mas presko kasi 'yan eh."

"Sure!" Sabreena said and inabot niya sa akin 'yung light blue na t-shirt na napaka lambot.

"Thanks, Sab." I said and smiled at her.

"Welcome, Pochi." she said and smiled at me, "Kapag may gusto kang i-share sa akin, sabihin mo lang, makikinig ako kahit ano pa 'yan."

"Wala 'yun. Kalimutan mo na." I answered and caressed her hair, "Bilisan na natin para masakay na tayo sa bus."

Change of Hearts 2 (Pinoy BL - Book 4 of S.O.A.S.F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon