Chapter 20♥

81 6 0
                                    

Eyooooow! Kamusta kayo? Andito na ang update, sana magustuhan niyo. :)


***


Harry’s POV


Bilib rin ako dito kay bossing eh. Biruin niyo, ginawa niya talaga ang lahat para makuha niya ulit ang babaeng matagal na pala niyang mahal. Siguro kung hindi ko nakita yung picture nilang dalawa nung bata pa sila sa wallet ni Jarren, eh hindi ko pa malalaman. Noong una nga hindi ko nakilala si Leila sa picture pero pinagmasdan kong mabuti at napagtanto kong si Leila nga iyon.


Nainis ako nun kay Jarren kasi hindi niya sinabi. Bestfriend niya ako pero naglilihim siya sa’kin. Hay. Buti nalang pala tama ang instincts ko na sila ang i-match make. Kita niyo, masaya na sila ngayon. Sana lang wala nang bagay o tao pang hahadlang sa kanilang pag-iibigan. Naks!


“Babe, let’s have dinner later?”


Oh? Ayan na naman ang galawang Jarren! Hahaha. Nakakatawa kaya ang itsura niya kapag nanlalambing siya kay Leila. Parang bading! Ampots! Hahaha!


“Jarren...”


“Babe ko naman... It’s baaaabe! B-a-b-e! Baaabe!”


Ampots!! Hahahaha! Bading nga! Akala siguro nila hindi ko sila naririnig eh magkalapit lang ang bench na inuupuan namin dito sa garden. Pft.


“Hay nako! Tigil-tigilan mo na nga kabebabe ko mo! Nakakahiya andyan pa naman si Harry. At saka may gagawin ako mamaya.”


“Naman babe..” sabi ni bossing JC at kunwaring nanlumo at naiiyak na sa sinabi ni Leila.


HAHAHA. Pffft. Epic!


“Oy Jarren!” sabi ni Leila ngunit patuloy parin si Jarren sa pagkukunwaring naiiyak. Pero wag ka, may luha na ngayon.


“Pft. HAHAHAHA.” di ko na napigilan at tuluyan na akong natawa.


Walanjo!


Dumako ang tingin ko kay Leila at nakita kong busy na siya sa librong binabasa niya. Samantala, nang mapadako ang tingin ko kay Jarren ay matalim ang tingin nito saakin. Hahahaha.


Leila’s POV


Hay. Parang ewan si Jarren. Bipolar much parin siya. Eto ako, busy magbasa ng libro at siya naman, busy sa kakangawa. Paano ba naman, nakuha pang mang-aya ng dinner eh uuwi pa ako ng maaga mamaya. Maghahanap din ako ng gagawin naming shortfilm. Ayon sinabi kong may gagawin ako mamaya tapos biglang nanlumo at naiiyak.


“Sige naaa, babe..” sabi niya habang patuloy parin sa kangangawa. Para siyang bata. –_–


“May gagawin pa nga ako mamaya, Jarren.” sabi ko at tumingin siya sakin ng naluluha.

When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon