Chapter 21♥

91 8 0
                                    

Mabibigyang linaw na kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit nakalimutan ni Leila ang pinakagwapong si Jarren. Hahaha. May magaganap po ditong flashback between a flashback. Wag po sana kayong malito. Thanks.

***

Jarren’s POV

I finally finished writing our script for the shortfilm in literature. Ofcourse, it’s a love story. This is my favorite love story of all time. The love story of Lei-lei and Renren. How did I came up with this kind of story? Well..

Flashback

Susunduin ko ngayon si Leila sa bahay nila. Habang naghihintay ako na matapos siyang maligo at bumaba ay nagkuwentuhan muna kami ni Tita Marie.

“Jarren, anak, siguro ito na ang tamang panahon para malaman mo kung anong nangyari noong mga bata pa kayo ni Leila. At kung paano ka niya... nakalimutan.” sabi niya.

Ang naalala ko lang ay childhood sweethearts kami noon ni Leila. Mahal na mahal namin ang isa’t isa hanggang sa isang araw akala ko nagbakasyon lang sila ngunit nalaman ko nalang na lumipat sila ng bahay sa malayo. Sampung taong gulang siya noon at ako nama’y labing-isa, naghintay akong babalik siya pero hindi iyon nangyari.

Flashback (7 years ago)

“Tita, tita, asan po si Lei-lei? Bakit po kayo may dalang maleta?”  sabi ko pagkarating ko sa bahay nila.

“Jarren, iho, magbabakasyon lang kami ng tito mo at isasama namin si Lei-lei. Babalik lamang kami. Wag kang mag-alala.” sabi sa’kin ni tita Marie.

“Marie— Oh Jarren? Naparito ka?” sabi ni tito Leo, ang daddy ni Lei-lei. Nakita kong tulak-tulak niya si Lei-lei sa wheelchair at may benda siya sa ulo.

“Ah hehe. Tito, matanong ko lang po. Bakit po may benda sa ulo si Lei-lei? At hindi na po ba siya nakakapaglakad kaya nakawheelchair siya?” nagtatakang tanong ko.

“Ah eh. Sige iho. Mauuna na kami ah? Malelate na kasi kami sa flight namin. Babalik naman kami agad. Sige na, umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng mommy at daddy mo.” sabi naman ni tita Marie.

“Pero—” naputol ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si tito Leo.

“Sige na, Jarren. Aalis na kami. Tara na, Marie. Mag-iingat ka pauwi, iho.”

Isinakay na nila si Lei-lei sa kotse at nagsimula na itong umandar habang ako naman ay nakatulala na lamang sakanilang pag-alis. Bigla akong natauhan at nalaman ko nalang na hinahabol ko na pala ang kotseng sinasakyan nila.

“LEI-LEI!!! LEI-LEI, BABALIK KA AH? WAG MO KONG IIWAN. PAPAKASALAN PA KITA PAGLAKI NATIN. MAHAL NA MAHAL KITA, LEI-LEI. REN-REN LOVE LEI-LEI FOREVER, DIBA? BABAY! MAG-IINGAT KA!”

*After 3 months*

“Mommy, dumating na po ba sila Lei-lei? Tatlong buwan na rin po nung nagbakasyon sila.” tanong ko sa mommy ko.

“Ah wala ‘nak. Lumipat na daw sila sa malayong lugar, sabi ng tita Marie mo.” abi ni mommy na ikinalungkot ko.

“Pero mommy sabi nila babalik lang daw sila. Magbabakasyon lang daw sila eh. Hindi iyon totoo, mooommy!” sabi ko na naiiyak na.

“Anak naman, wag kang iiyak. Magkikita pa naman kayo paglaki niyo.” sabi niya dahilan para tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon