Chapter 1♥

375 13 5
                                    

Sorry, medyo natagalan 'tong update dito sa story na 'to. Pinagtuunan ko kasi ng pansin yung una kong story kasi tinapos ko na. Anyway, here's chapter 1. Enjoy!

======

Leila's POV (Raleila Francie Lisleheart)

Nagising ako ng maaga ngayon araw na 'to. Siguro nadala na ako sa panggigising sakin ni mommy kahapon. Bumaba na sa kusina at naghanap ng pwedeng lutuin.

Naghanap naman ako sa cupboard namin at nakakita ako ng pancake mix. Hindi pa ako kailanman nakapagluto nito, pero sabi nila follow the instructions at the back kaya binasa ko.

Sabi daw, Place the pancake mix in a bowl then add 1/4 cup of water. Ano ba yan? Pinaglololoko naman pala ako nitong instruction, ilagay daw ba sa bowl eh diba sa cr yun? Umiihi at dumudumi tayo dun tapos ilalagay ko dun yung pagkain? Parang hindi naman ata tama yun?

Binasa ko naman yung sunod na instruction at ang nakalagay, Put 1 egg and one table spoon of oil. Then mix it until there is no lumps visible.

Ah okay. Kumuha naman ako ng platong malalim at dun nilagay lahat ng ingredients. Pagkatapos ay hinalo ko ito ng hinalo.

Fry it in a pan with a low heat fire. Pagkabasa ko nun ay pinirito ko na, kaya lang sadyang hindi talaga ako marunong magluto kaya nasunog ko siya. Huhu.

No choice ako kundi kainin yun kasi sayang naman kung hindi. Habang kumakain ako ng sunog na pancake ay bigla naman may nagsalita sa likod ko.

"Leila naman, bakit ka kumakain ng sunog na pancake?" Sabi ni mommy.

"Ehehehe. Kasi po mommy niluto ko po itong pancake, kaya lang nasunog. Sayang naman po kung hindi ko kakainin." Sabi ko.

"Anak naman, tinawag mo nalang sana ako. Naku naman, nasa college ka na hindi ka pa marunong magluto. Hay. Sinanay ka kasi namin may yaya nung bata ka pa, ayan tuloy." Sabi niya.

May yaya ba ako? Ay oo nga pala. Dati meron, kaya lang umalis na siya eh. Malaki na naman daw kasi ako kaya ganun.

"Eh tulog ka pa po kasi kanina eh. Okay lang po itong sunog na pancake. Masarap try niyo po." Sabi ko sabi ko sabay lahad ng tinidor na may pancake kay mommy.

"Hay naku anak. Wag mo akong idamay sa kabaliwan mong yan. Eto nalang kainin mo." Sabi naman ni mommy sabay bigay ng oatmeal sakin.

"Okay?" Ano ba naman yan si mommy? Siya na nga 'tong inaalok ng pagkain eh.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at pumasok na sa school.

Pagkadating ko sa school ay nakita kong nagkukumpulan ang halos lahat ng babae sa school namin dun sa gitna ng daan.

Hmm, ano kayang meron dun?

"Excuse me po. Excuse." Sabi ko at tiningnan kung anong meron sa pinagkukumpulan ng mga babae.

"Hey. Ano ba? Kanina ka pa nangsisiksik jan ah!"

"Sorry. Hehe. Ano po bang meron at bakit kayo nagkukumpulan dito?" Sabi ko dun sa babaeng nasagi ko.

"Gosh. Tell me, ngayon ka palang ba pinanganak? Bakit hindi mo alam? Ganitong oras dumadating si Prince at ayun na siya oh. Nubayan!" Sabi niya.

Grabe naman 'to si Ate. Pero matagal na akong ipinanganak ni mommy, college na nga ako eh. Medyo tanga din 'tong si Ate. Pero teka? Ano daw?

"Halaa. Prince? Katulad nung kila Cinderella, Snow White, Rapunzel, Sleeping Beauty at iba pa?" Sabi ko naman.

When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon