Hi!! Mga pawang ka-echosan ko lang po ang iba dito. Ewan ko ba kung meron talaga nun sa totoong buhay. Hehehe. Enjoy reading!
***
Leila’s POV
Last day na ng Foundation week ngayon. Ang bilis ‘no. Sabi nga, “time flies when you’re having fun” kaya hindi ko namalayan na last day of celebration na pala ngayon.
Hindi na kami pumunta sa booth namin dahil sinarado na namin iyon para sa activities ngayong araw. Ngayong umaga, may mga representative ang lahat ng courses at professors na magpeperform, mamayang hapon ang awarding ng different booths na ginawa, at mamayang gabi naman ang pinaka-inaabangan namin. Ang Battle of the Bands.
Nung mga nakaraang araw marami rin ang nagpadedicate sa booth namin. Marami rami rin ang kinita namin dahil dun. Mehehe. May nangyari ngang sweet eh. May lalaking nagpadedicate para sa girlfriend niya tapos siya mismo ang kumanta para dun sa girl, as in live. ‘Yung girl naman, ayun, kilig na kilig sa boyfriend niya.
Ako rin kinilig dun pero mas kinilig ako sa ginawa ni Jarren noon. Mas gusto ko parin ‘yung ginawa ni Jarren sa’kin at mas sweet parin para sa’kin ang ginawa niya.
Hindi ko nga pala kasama si Sandy ngayon. Nakakainis nga eh, bigla na lang siyang kinuha ni Harry sa’kin. Hihiramin daw muna niya si Sandy, eh hindi naman kasi bagay ang bestfriend ko para hiramin niya. Ayan tuloy mag-isa ako ngayong naglalakad-lakad sa campus. Ayoko kasing pumunta sa auditorium. Wala ako sa mood manood ng mga nagpeperform doon. Kaya lang...
“Ms. Lisleheart, why are you not in the auditorium?” sabi ng isang professor namin.
“Ah eh.... papunta na nga po ako dun. Hehehe,” palusot ko.
Hay. Naman o! Nakita pa ako nung prof. namin. Meron pa din namang ibang students na nagliliwaliw sa campus ah, mga wala ring balak manood sa audi. Pero wala eh, kailangan kong panindigan ang sinabi ko. Mamaya niyan nandun din ‘yung prof na’yun sa auditorium at makitang wala pala ako dun. Ayoko namang masabihan ng sinungaling.
Pagkapasok ko sa auditorium, hinanap agad ng mga mata ko si Sandy at Harry. At ayun, nakita ko silang magkatabi sa may dulo ng auditorium at wala ng bakanteng upuan malapit sa kanila. Huhu. Mag-iisa nanaman ako. Nakahanap ako ng upuan malapit sa unahan. Halos lahat kasi umupo sa hulihan kaya ang mga bakante ay nandun sa unahan.
Ang pinili kong upuan ay ‘yung walang nakaupo sa tabi kaya alone ang peg ko ngayon. Tumingin naman ako sa likod at nakita kong mga 2nd year college ang mga nakaupo. Sa harap naman ay mga kabatch ko. Pagtingin ko sa stage ay nagpeperform na ‘yung mga professor namin ng dance number nila.
“Wooooh! Go ma’am, go sir!/ Go professors!” sabi ng mga estudyante.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na sila at ang sumunod na nagperform ay mga 2nd year college. Nagsayaw rin sila pero this time, wobble wobble ang sinayaw nila. Pagkatapos nila may mga sumunod pang nagperform at ngayon, mga kaklase ko naman ang magpeperform. Kakanta naman sila, puro sayaw kasi ‘yung mga nauna.
♪♬ Nice to meet you, where you been? I could show you incredible things. Magic, madness, heaven sin. Saw you there and I thought, Oh my God, look at that face. You look like my next mistake. Love's a game, want to play?♬♪
Nakakatuwa naman. Halos lahat yata ng tao rito sa loob eh nakikisabay sa pagkanta ng ‘Blank Space’. Dahil sa kanila ay napapasabay na rin ako sa pagkanta.
♪♬ So it's gonna be forever. Or it's gonna go down in flames. You can tell me when it's over. If the high was worth the pain. Got a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. 'Cause you know I love the players, And you love the game...♬♪
BINABASA MO ANG
When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)
Teen FictionWhat will happen if two opposite people crossed their way to each other? But with all those happy things that happened, will this "hidden" truth ruin the protagonists' love story? Will things go on the right place when slowpoke meets the perfectioni...
