Tapos na ang exams namin. At dahil dyan, may update na ako. Here's Chappie no. 14. Enjoy!
***
Leila’s POV
“I become like this because of you. You made me soft. I really like you.“
“I become like this because of you. You made me soft. I really like you.“
“I become like this because of you. You made me soft. I really like you.“
“I become like this because of you. You made me soft. I really like you.“
Waaah! Kanina ko pa ‘yan naririnig sa utak ko. Konti nalang talaga, konti nalang mababaliw na ako.
Jarren naman kasi! Ayan tuloy, bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Nakakainis, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Do I really have a crush on him or it’s way beyond that?
No, Leila! There is no beyond that! Crush mo lang siya, ino-OA mo lang.
Hay! Bahala na!
“Hey, are you listening?” rinig kong sabi ni Jarren.
“H-Ha? Ah o-oo naman,” utal-utal na sabi ko.
“Sige nga, what did I say?” Paghahamon niya.
“Ahh... Ehh—”
“Ih Oh Uh? You’re not listening. Naman babe, nandito lang ako sa tabi mo eh iniisip mo parin ako. Sobra na ‘yan,” Nagbibirong sabi niya.
Huh? Aba napaka feelingero naman talaga nang taong ito.
“Hay, ewan ko sa’yo Jarren Lerwick,” sabi ko at kunwaring naglakad paalis.
“Ikaw naman Leila Lisleheart. Nagbibiro lang eh,” sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
“Chansing ka ah!” sabi ko at nagpupumiglas sa hawak niya.
“Ah talaga. Why don’t you tell me na kinikilig ka lang kasi hawak ko ang kamay mo?” nakaismid na sabi nito.
“Ang hangin eh ‘no. Ramdam mo?” sarkastikong sabi ko.
“Ikaw naman. Tara na nga!” Sabi niya at hinila ako palabas sa WOF.
“Saan ba tayo pupunta? Pagod na ako kakalaro kanina. Kalabanin mo ba naman ako sa basketball eh mas magaling ka naman dun at saka mas matangkad ka kaya mas abot mo ‘yung ring kesa sa’kin. Tapos ngayon kung saan saan mo pa ako dadalhin,” litanya ko.
Kakapagod kaya ‘yun! Try niyo! Mga anim na beses.
“Kanina kasi nung hindi ka nakikinig, and sabi ko sa’yo kakain tayo kasi gutom na ako. Kalimutan mo muna ‘yang mga iniisip mo, ako muna ang pagtuunan mo ng pansin. Ikasasaya ko pa ‘yun,” sabi niya.
“Ah ganun? Eh kung pagtuunan kita ng galit? Ikasasaya mo ba ‘yun?” sabi ko naman.
Kahit kelan talaga napaka ewan nitong si Jarren.
“Ang sakit naman nun babe. Ayaw mo ba sa’kin? ‘Yan ba ‘yung way ng pangbabasted mo? Ni hindi pa nga ako nanliligaw eh,” nakasimangot na sabi niya.
“Anong pinagsasasabi mo? Sige na, kakain na tayo at ‘yung mga alaga mo sa tiyan eh naggigiyera na.” sabi ko at hinila na siya papunta sa isang fastfood chain.
Jarren’s POV
She pulled me to Jollibee. Isip bata talaga ‘tong babaeng ito. Pwede naman kasing sa Savory nalang kami kakain kasi dinner na ito. Seven pm narin kasi.
BINABASA MO ANG
When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)
Fiksi RemajaWhat will happen if two opposite people crossed their way to each other? But with all those happy things that happened, will this "hidden" truth ruin the protagonists' love story? Will things go on the right place when slowpoke meets the perfectioni...