Prologue

368 16 3
                                    

When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist

She's Beautiful.

She's Pretty.

She's Rich.

She's Nice.

She's Friendly.

But one thing is surely her characteristic.

She's a Slowpoke.

He's Handsome.

He's Rich.

He's Smart.

He's Cold hearted.

He's a Hearthrob.

However, the list will not be completed without his trademark characteristic.

Of course, He's a perfectionist.

When they cross their way to each other, will Ms. Slowpoke melt the Perfectionist' Ice cold heart? Will they ever find love?

Prologue

"Hoy, ikaw bata ka!? Kanina pa kaya kita tinatawag! Gasgas nalang ang lalamunan ko kakatawag sayo, di mo ba ako naririnig?"

Huh? Gasgas na daw ang lalamunan ni mama? Hala!

"Talaga po ma? Patingin nga ng lalamunan mo? Naku, punta na kaya tayong hospital? Baka di kana makapagsalita niyan. Huhu!" Sabi ko.

"Hay naku! Ewan ko sayong bata ka. Hindi naman talaga gasgas ang lalamunan ko. Bangon na dyan at male-late ka na." Sabi ni mama.

Medyo magulo din 'tong kausap si mama minsan eh. Kakasabi niya lang kanina na nagagasgas na daw ang lalamunan niya tapos ngayon hindi naman daw pala. Hay.

"Opo." Sabi ko at tumayo na at inayos ko na ang higaan ko.

Ako nga pala si Raleila Francie Lisleheart, 17 years old. First year college na ako ngayong araw na ito. Yipee!

Bumaba na ako at kumain ng breakfast. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay mama na pupunta na akong school.

Pumara ako ng taxi. Sosyal no? Medyo malayo yung school namin kaya taxi nalang.

"Ma'am, sasakay po ba kayo o hindi? Umaandar na po yung metro." Sabi ni mamang taxi driver.

"Eh? Bakit naman po aandar yan? Akala ko po yung kotse ang aandar. Ano po ba yang metro? Jan po ba ako sasakay?" Sabi ko.

"Ay. Ang ibig ko hong sabihin eh tumataas na po iyong babayaran niyong pamasahe sa metro." Sabi ulit ni mamang taxi driver.

"Ah, iyon naman po pala eh. Halika na po." Sabi ko.

After 25 minutes nandito na ako sa tapat ng school namin. Wala nga palang traffic kaya 25 minutes lang ang biyahe ko.

Ang ganda at ang gara ng school ko. Bliss Prestige Academy. Pati pangalan sosyal. Haha. Mga mayayaman lang ang nag-aaral dito. Kasali na ako. Hehe!

Habang manghang-mangha ako sa pagtingin sa school ko ay di ko namalayan na may makakabangga pala ako.

*boogsh!*

"Ouch! Watch where you're going miss! Ano ba yan! Tatanga-tanga kasi!" Sabi nung lalaking nakabunggo ko.

"Ay. Sorry po." Sabi ko. Ano ba yung watch where you're going? Ah. Panoorin ko daw yung where you're going. Anong channel ba yun?

"Tss." Sabi niya at umalis na.

"Grabe naman yung girl na yun. Mukhang she doesn't know kung sino yung nakabunggo niya. My gosh! I think Prince Jarren is hurt? Huhu." Sabi nung babaeng puro pulbo ang mukha.

"Yah. I think we should get first aid kit na. Tatanga-tanga kasi siya." Sabi naman nung isa.

Sino kaya yung pinag-uusapan nila. Kawawa naman. Sinabihan pang tanga.

"Hey!"

Ako ba? Ako ba tinatawag nitong babaeng may headband na ribbon sa ulo. Tinuro ko naman ang sarili ko sabay sabing,

"Ako?"

"Ay hinde. iyang nasa likod mo. Of course. Sino pa ba?" Ani niya.

Tumingin naman ako sa likod ko at may nakitang isang babae. Tinawag ko ito.

"Ate. Tawag ka niya oh." Sabi ko.

"Hindi. Ikaw ang tinatawag niya." Sabi ni ate. Makulit din 'to. Siya nga daw eh.

"Hey noob, I was referring to you, not her." Sabi nung babaeng may ribbon at lumapit sakin.

"Sabi mo yung nasa likod ko." Sabi ko.

"Gosh, what a noob! Ikaw nga, kulit! Anyway, bakit mo binangga si Jarren? Don't you know him?" Sabi niya.

Sinong Jarren? Artista ba yun?

"Sinong Jarren?" Tanong ko.

"Oh well. Di mo pala kilala. Jarren Cole Lerwick's the name. Kilalanin mo siya at alamin mo. Malaki ka na." Sabi niya at umalis na. Taray naman nun.

Jarren Cole Lerwick? Sino ba yun?

***

As promised, here's the prologue po. Sana nagustuhan niyo! Vote and comment po kayo. Thanks!

-MsMorningLoves22♡

When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon