A/N: My goodness! Ang tagal na mula nung huli kong update. Hahaha. Sorry po, busy kasi ako tsaka tinatamad nadin. May inspirasyon na ulit ako at yun ang barkadahan namin a.k.a. Group of Nothing at si he-who-must-not-be-named. Kaya heto na ang update. Sorry kung lame ang ud na to. Sana magustuhan niyo parin. Happy reading!
***
Leila’s POV
“Mommy!? Si Jarren ay si Renren? Wh-why—? Bakit hindi niyo sinabi sakin na nagka amnesia ako!? Bakit hindi niyo sinabi na may kababata ako at siya ‘yun!? Bakit mommy?” Naiiyak na sabi ko.
Bakit hindi man lang niya sinabi sa’kin na matagal ko nang kilala si Jarren? Bakit hindi niya sinabi sa’kin na may kababata ako at si Jarren iyon? Kung matagal nang alam ni Mommy na si Jarren ay si Renren, bakit niya ito inilihim sa’kin? Oo, alam ko na ang lahat. Naaalala ko na. Bago ko pa marinig ang sinabi ni Mommy, noong wala pa akong malay ay nakakaalala na ako.
Alam kong sasabihin ng iba na ang babaw ko, pero sinong hindi maiinis o magagalit na itinago sa’yo ng sarili mong ina ang isang bagay na mahalaga sa’yo?
“Leila, forgive me for not telling you this. Ang akala ko mas makakabuti na huwag ko nalang sabihin sayo ang totoo pero mali pala ako. Dapat noon ko pa sinabi sa’yo na naaksidente ka at nawalan ka ng alaala at kababata mo si Jarren. Hindi ka sana nabigla ngayon. ‘Wag ka sanang magalit sa’kin anak.” Sabi ni Mommy habang hawak parin ang kamay ko.
Nagtatampo ako. Hindi ko mapigilang hindi magtampo. Buong buhay ko, ginusto ko ang magkaroon ng kababata. Alam niyo yun? Yung may mase-share-an ka ng problema mo, may kasama ka magpunta sa iba't ibang lugar, yung kahit na matagal kayong di nagkita o nagkasama andun parin ung closeness ninyo? Ang buong akala ko ay wala akong kababata ngunit itinago nila ang katotohanan na meron pala. Pero hindi naman yata tamang gawin na pairalin ko ang tampo ko. I need to be mature enough na maintindihan ang dahilan kung bakit hindi ito sinabi sa’kin ni Mommy.
“It’s okay Mom, naaalala ko na po ang lahat. At nangyari na po ang nangyari, hindi na natin mababago ‘yon. Sa ngayon, gusto ko na muna pong magpahinga.” Sabi ko at ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong tumayo si Mommy at narinig kong bumukas ang pinto, siguro ay lumabas siya.
Matagal na din kayang alam ni Jarren ang tungkol dito? Alam ko namang hindi niya magagawang maglihim sakin eh.
Jarren’s POV
Pagkatapos kong bumili ng bulaklak at pagkain ay dumiretso na ako ulit sa hospital. Pagkarating ko, naabutan ko si Tita na nasa labas ng kwarto ni Leila.
“Tita, bakit po kayo nandito sa labas?” Sabi ko nang makalapit ako sakanya.
“Jarren, gising na si Leila.” sabi niya ngunit bakas sa kanyang mukha at pananalita na malungkot siya.
May nangyari ba?
“Nakakaalala na siya. Naaalala ka na niya.” dagdag pa niya.
“Talaga Tita? Pero bakit parang malungkot po kayo?”
Yes! She already got her memories back. Pero bakit kaya malungkot si Tita?
“Noong akala kong hindi pa siya nagigising, kinausap ko siya. Nasabi kong kababata ka niya at ikaw ‘yung lalaking mahal niya noon pa pero bigla nalang siyang nagsalita. Gising na pala siya at narinig na ang mga sinabi ko. Alam kong nagalit siya dahil inilihim ko ito sakanya pero sinabi ko sakanya ang dahilan kung bakit. Gusto na muna niyang magpahinga kaya iniwan ko na muna siya sa loob.”
BINABASA MO ANG
When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)
Fiksyen RemajaWhat will happen if two opposite people crossed their way to each other? But with all those happy things that happened, will this "hidden" truth ruin the protagonists' love story? Will things go on the right place when slowpoke meets the perfectioni...
