Chapter 23♥

48 5 0
                                        

***

Leila's POV

Maaga kaming pumunta doon sa school na pagkukunan namin ng sunod na scenes. Inagahan namin para matapos agad dahil may pasok ngayon at maraming estudyante. May kanya kanya silang klase eh baka makaistorbo pa kami.

Agad na nag set-up ang mga cameraman at yung iba ay inayos na ang scenery. Yung dalawang bata naman ay inaayusan na habang kaming dalawa naman ni Jarren ay nakaupo dito sa gilid kung saan kitang kita namin ang scenery.

"Is everybody ready?" sabi ni direk.

"Okay na po direk." sabi ng isang staff.

"Okay that's good. Let's start.. Lights, camera... action!"

Sabay na pumasok sa paaralan ang dalawang bata. Masayang masaya sila dahil nalaman nilang magkaklase sila at lagi na silang magkasama. Kung hindi nga lang sila mga bata eh mapapagkamalang magboyfriend-girlfriend ang dalawang batang ito. Nakarating na sila sa kanilang classroom at nagtabi sila sa upuan. Nagpakilanlan ang lahat ng mga bata at kung anu-ano pang activities sa firstday of classes nila bilang grade 1 student.

Sa mga sumunod na araw ay ganun padin naman ang ginagawa nila sa paaralan. Maglelesson then break time. Minsan may mga games na konektado parin sa lessons ikinatutuwa ng mga bata. Isang araw nagkaroon sila ng activity, idrawing kung sino ang taong mahalaga sayo. Nagsiguhit na ang mga bata sa kani-kanilang papel at pagkatapos ay naglibot libot ang teacher nila upang tingnan ang mga iginuhit nila.

Nang mapadako ang tingin ng teacher nila sa papel ni Renren ay napangiti nalang ito at nilapitan ang bata.

"Renren, sino naman ang iginuhit mo?" sabi nito ng makalapit siya sa bata.

Ngumiti naman muna si Renren bago ipinakita ang kanyang iginuhit sa kanilang guro. "I draw Lei-lei teacher." Narinig naman ito ni Lei-lei kaya sinilip niya ang iginuhit ni Jarren.

"Ay ako ba yan? Hihihi." humahagikgik na sabi ni Lei-lei.

"I see. Bakit si Lei-lei ang iginuhit mo Ren?" sabi ng teacher nila.

"Because teacher you said that we should draw the person who is important to us and Lei-lei is important to me that's why I draw her." sabi ni Renren.

Nagulat ang teacher nila sa binitawang salita ni Renren. Napangiti nalang ito dahil ang bata bata pa pero kung makapagsalita parang andami ng alam sa buhay. Matagal na niyang napapansin ang closeness ng dalawang bata at kung paano ang pakikitungo ni Renren kay Leila ay alam niyang kapag lumaki pa ang dalawa ay hindi imposibleng magkagusto ito sa isa't isa.

"But how about your mom or dad? Aren't they important to you?"

"Oo nga Renren. Dapat parents mo iginuhit mo. Look at mine oh." sabi ni Lei-lei at ipinakita ang ginuhit niya.

"They are important to me too and they already know that but you see teacher, Lei-lei is important to me too. When we grow up I want to marry her teacher."

"Oh okay Renren. That is good but now study first okay? Ang babata niyo pa para dyan. Okay class blah blah blah..."

"Papakasalan mo 'ko Renren?" pabulong na sabi ni Lei-lei.

"Yes but not now teacher said let's study first. Do you want me to be your husband Lei-lei?"

"Oo naman Ren. Hihihihi."

Lumipas ang ilang taon at grade 4 na sila Renren at Lei-lei. Si Renren ay 11 years old na samantalang si Lei-lei naman ay 10 years old. Nasa iisang paaralan parin sila at hindi parin mapaghiwalay ang dalawa. Ganun parin naman sila sa school, sabay pumapasok at umuuwi, sabay kumakain ng snack at lunch, nagtutulungan sa paggawa ng projects at homework. At sa mga panahon din ito ay may gusto na si Renren sa kanyang kababata na si Lei-lei at ganun din naman si Lei-lei kay Renren.

"Okay cut! Good job guys. We need to change the location now, dun tayo sa village, dun natin kukunan 'yung aksidente at iba pang scenes after that dun na tayo sa part na college na sila. Maglalagay din tayo ng ibang scenes nung highschool sila pero konti lang dahil base sa story na ginawa ni Mr. Lerwick, ang highlights ng story ay nung college years nung dalawang bida. You can take a break now let's just meet at the location at 2 in the afternoon. Bye." Sabi ni direk at nagpaalam na siya para umalis.

"Babe ano? Maganda ba 'yung shortfilm natin?" sabi ni Jarren nung tumayo na ako para puntahan yung dalawang bata na gumanap bilang batang Renren at Lei-lei. Ibang bata na pala ang gumaganap ngayon, hindi na sila Sky at Bea hindi kasi bagay ang edad nila para sa mga susunod na scenes.

"Uhm, yup. Nakakatawa nga yung Renren eh kahit bata pa may nalalaman laman ng kasal hahaha. Ang saya pala ng may childhood sweetheart ka yung tipong pag nagkita kayo sa future tapos may kanya kanya ng buhay tapos mapagkukwentuhan niyo nalang yung mga pinaggagawa niyo dati nung bata pa kayo. Hahaha." sabi ko sabay tingin kay Jarren na nakasimangot. Huh? Bakit naman kaya to sumimangot?

"You okay?" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Tumango siya pero nakasimangot parin. Problema nito?

"Jarren, bakit ba nakasimangot ka? Huh? May problema-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinigit palapit sakanya at niyakap ng mahigpit. "uhh, Jarren? Ayos ka lang?"

"Nothing babe. It's just so sad that you don't remember me." sabi niya at isiniksik ang ulo niya sa nay leeg ko.

"Huh? Baliw ka ba Jarren? Paano naman kita hindi maaalala eh boyfriend kita?"

"Nah. Nevermind babe. I love you."

Ang weird niya.

"Hahaha baliw ka babe. Love you too. Tara na, umalis na pala yung mga bata, pupuntahan ko sana sila eh kaso nagdrama ka." sabi ko at hinila na siya papunta sa kotse niya.

"Where do you wanna go now babe?" sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Uhm, parang gusto kong kumain ng lasagna sa Greenwich," sabi ko sakanya. Sinara niya ang pinto at pumasok na din sa may drivers' seat.

"Okay babe. Greenwich." sabi niya at nagsimula ng magmaneho.

Pagkadating namin sa Greenwich ay pinaupo na ako ni Jarren at siya nalang daw bahalang mag order. Bumalik siya sa table namin na may bitbit na number. Haha. If I know bibihira lang siya kumain sa ganitong lugar. Nagpaalam muna ako sakanya na pupunta lang ako sa washroom para umihi at magretouch na din. Chos! Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay. Nung tuyo na ang kamay ko ay kinuha ko ang face powder ko at naglagay ng konti. Medyo oily na din kasi ako eh. Konting lip shiner, suklay ng konti at boom! Okay na, maganda na ulit ako. De joke. Hahaha.

Pabalik na ako sa table namin ng bigla akong may nakita sa isang table dito sa Greenwich. Si Harry at may kasama itong babaeng familiar saakin. Teka... parang si... Sandy! Waaaaah! Si bespren nakikipagkita na din kay Harry. Mwehehe sabi na eh may gusto din 'to si bes kay Harry.

Pagkabalik ko ng table namin ay nakita ko ang nagtatakang mukha ni Jarren na nakatingin saakin.

"What?" nakangiting sabi ko.

"You look so happy. What happened babe?"

"Wala. May nakita lang hehe."

***

Sorry for this lame update. Minadali ko na po ito para magkaupdate na. Hehe. Peace guys. Sana magustuhan niyo padin itong update. Geh alis na ako. Bye.

Leave your votes and comments. :)

-EM♥

When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon