A/N: Anyeonghaseyo! Haaaay! It's been weeks since I last updated. Hoo! Taghirap na po ako ngayon ng ideas. Please bear with it, lalo pa ngayon na laziness is taking me over and sunod sunod ang war namin sa coc. Hahaha. But anyway, tentenenen... heto na ang boring na update! I dunno if you'll like it but I hope you will pinaghirapan ko parin naman ito kahit papano. Hehe. Enjoy!
***
Leila’s POV
“Ako nga pala si Lei-lei. Ikaw anong pangalan mo?”
“Ha? Bakit naman ayaw mong may crush ako, Renren?
“Pero Renren, hindi ba parang ang bata pa natin para makaramdam niyan? Sigurado ka bang... mahal mo na ako?”
“Okay, Renren. Binabawi ko na iyong sinabi ko noon na napakabata pa natin para makaramdan nito. Ang tanga ko, age doesn’t matter nga pala. Kahit 10 years old palang ako, alam kong mahal na kita Renren. Mamahalin at mamahalin kita kahit ano pang edad ko.”
“Ren—”
*claps*
Napatigil ako sa pagpraktis ng nga lines ko sa shortfilm namin ni Jarren at napatingin ako sa may pinto ng kwarto ko kung saan nanggaling ang palakpak.
“Nice job, anak. Di ka naman yata masyadong excited niyan? Lahat na ng lines minememorize mo.” sabi ni mommy na may nakakalokong ngiti.
Ako!? Excited!? Haa! Hindi naman, konti lang. Hahaha!
“Hahaha. Medyo po mommy. First time kong mag-aacting kahit hindi live. Ilalabas ko na ang aking acting skills... cheret! At saka mabuti na rin po yun na lahat na kaysa kung by part ko imememorize. Tsaka malay niyo may makadiscover sa’kin.” pagbibiro ko. Lumapit naman si mommy saakin at naupo rin sa kama ko.
“Hmmmp. Mamaya na kayo magsisimula mag shoot diba?” tanong niya at tiningnan ang hawak kong script.
“Ay opo, mommy. Hehehe.”
“Oh. Susunduin ka ba ni Jarren? San ang location ng pagkukuhanan niyo ng scenes?”
“Opo. He’ll be here by 10. Iba iba po yung locations pero yung scene na kukuhanan ngayon ay doon sa may park na dito rin lang po sa village at sa isang exclusive elementary school.” Inarkila namin ngayong araw yung park at school para sa filming ng scenes.
“Pero diba ang first scene ay iyong noong bata pa kayo— ay este nung bata pa ‘yung si Lei-lei at Renren? May mga bata ba kayong isasali o kayo rin lang ni Jarren ang gaganap?”
“May bata pong gaganap sa batang Lei-lei at Renren. Pag yung nasa highschool at college years na sila kami na po ni Jarren ang gaganap.” Hahaha. Mahaba haba nga ‘yung kwento na ibinigay ni Jarren. Tungkol kasi ito sa magchildhood sweethearts. Sa totoo lang nakakaiyak ‘yung kwento. Nakakaawa ‘yung guy.
BINABASA MO ANG
When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)
Teen FictionWhat will happen if two opposite people crossed their way to each other? But with all those happy things that happened, will this "hidden" truth ruin the protagonists' love story? Will things go on the right place when slowpoke meets the perfectioni...