A/N: Hi guys! Long time no update. Sorry po, busy na po kasi talaga ako sa school namin. Pero eto po may nagawa akong pang update. Enjoy!
***
Leila’s POV
Matapos kumain sa Greenwich ay napagdesisyunan na naming pumunta ni Jarren sa next place kung saan gaganapin ang sunod na scenes. Hindi ko na ipinaalam sakanya na nakita ko sila Sandy at Harry. Mabuti na rin iyon para naman hindi masira ang moment nung dalawa. Bukas ko nalang isasagawa ang pag-iinterogate dun sa bestfriend ko xD. Pagkadating namin sa set ay nakahanda na ang lahat. Sa isang university ito. Kami nalang pala ang hinihintay, naku nakakahiya naman kay direk.
“Buti naman at naisipan niyo nang pumunta dito ‘no? Hahaha joke lang.” sabi ni direk nang makalapit kami sakanya.
“Peace direk. Nagquality time lang kami nitong girlfriend ko. Haha.” tiningnan ko naman ng masama ang nagsalita. Walang iba kundi si Jarren.
Sige hahaha. Guys magsisimula na tayo. Bale ngayon sila Jarren at Leila na ang mag aact. ‘Yung sa part na higschool ‘yung mga bida, i-insert nalang daw pala iyon sa narration sabi ni Jarren.”
Yes, tama ang pagkakabasa ninyo. Kami na nga ang mag aact ngayon. And I’m so excited kasi maipapakita ko na rin ang acting skills ko. Hahaha.
“Okay get ready na. We’re about to start the shooting.”
“Wait lang po direk magreretouch pa kami ni Jarren.” sabi ko.
“No need babe. I’m already handsome.” mahangin na sabi ni Jarren.
“Osha sha, sige na.” sabi naman ni direk.
______
Natapos na namin maishoot ‘yung sa may narration nung higschool life nila at ‘yung part na malapit nang magkita ulit sila Renren at Lei-lei nung college na sila. Andito ako ngayon sa isang bench nakaupo habang kinakabisa ang mga lines ko para sa susunod na scenes. Mamayang konti ay magpapalit nadin ako ng costume.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng script ng mabasa ko ang isang eksenang parang napaka familiar. Ito ay ‘yung sumigaw si Lei-lei ng “Sehun”, ‘yung sinabihan siya ng friend niya na pinagtitinginan na siya ng mga tao, at iyong part na may lumapit sakanyang lalaki at sinabihan siyang makipagkita sa kanila sa isang silid. Parang alam ko ito. Parang nangyari na ito sa totoong buhay ah. Alam ko ito, nangyari ito nung nagsisimula palang ang pasukan namin. Sumigaw ako ng Sehun kasi akala ko may artistang pinagkukumpulan ‘yung mga estudyante noon, at may lumapit din saakin noon—which is si Harry, na makipagkita sakanila sa room 214. Bakit parang nakaramdam ako ng kakaiba? Bakit feeling ko ako si Lei-lei sa shortfilm namin ngayong nabasa ko itong script? Hay, ano ba naman itong iniisip ko. Tumayo ako para kumuha ng tubig ng biglang may nagflash sa utak ko na malabong image ng isang babae at lalaki na nag uusap.
“Mahal na mahal kita, Lei. Lagi mong tatandaan ‘yon ha?”
“Oo naman Ren, at ganoon din naman ako. Mahal din kita.”
“Renren love Lei-lei forever!”
“And Lei-lei love Renren forever!”
Jarren’s POV
Papunta ako ngayon kay Leila upang bigyan sana siya ng tubig ng makita kong bigla siyang humawak sa ulo niya na parang bang may masakit dito. Nakita kong maa-out balance na siya, kaya naman dali-dali akong lumapit sakanya. Nung nakalapit na ako sakanya ay saka naman siya tumumba at nahimatay. Buti nalang at nakalapit na ako kung hindi ay baka lumagapak na siya sa sahig. Tinapik tapik ko ang pisngi niya at paulit ulit siyang tinatawag ngunit hindi parin siya gumigising kaya naman binuhat ko siya at pinasok na sa kotse ko at saka ito pinaharurot papunta sa pinakamalapit na ospital.
Pagkatapos na mai-admit si Leila ay tinawagan ko kaagad si tita Marie upang ipaalam sa kanya na isinugod ko si Leila sa hospital. Matapos ang dalawampung minuto ay dumating na si tita Marie dito sa hospital na may dalang kaunting gamit ni Leila.
“Ano ba kasing nangyari, Jarren?” nag-aalalang tanong ni tita.
“Hindi ko po alam. Kanina nung nagsushooting po kami maayos pa naman siya. Pero kanina nung nagbreak time kami at bibigyan ko sana siya ng tubig kaya lang nakita kong humawak siya sa ulo niya at saka natumba at nahimatay. Buti nalang po at nakalapit agad ako para saluhin siya. May sakit po ba siya tita?” sabi ko.
“Wala naman. Pero alam mo noong isang araw nagsabi siya sakin na kumirot daw ‘yung ulo niya. Tinanong ko siya kung anong ginawa niya kung bakit kumirot, ang sabi niya nagbabasa lang daw siya nung nakita niyang scrapbook sa kwarto niya tapos ayun daw kumirot ito bigla. Tiningnan ko kung anong scrapbook ang tinutukoy niya at iyon ‘yung binigay mo sakanya noon. Hindi kaya, malapit na siyang makaalala ulit?” sabi pa niya.
Sana nga. Sana nga makaalala ka na babe.
Makalipas ang ilang oras ay hindi parin nagigising si Leila. Sabi naman nung doctor niya maayos naman daw ang vital signs niya kaya naman nakampante na kami ni tita Marie. Labis na kasiyahan ang naramdaman namin, lalo na ako, nang malaman kong malapit na nga siyang makaalala or so, pwedeng kapag nagising siya naaalala na niya ako. Sabi kasi nung doctor niya, she passed out maybe because the damaged part of her brain is slowly coming back to work. She may be seeing flashbacks of our past kaya daw sumasakit ang ulo niya. And the doctor also said that this is a good sign that she is slowly remembering stuffs.
Sana lang talaga makaalala na siya. Gustong gusto ko narin talagang makabalik ang alaala niya. At pag nangyari iyon alam kong mas magiging masaya kami pati narin ang mga magulang at mga kaibigan namin. I hope that when she wakes up she already remembered who I really am and what we were before.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa tabi ng hospital bed ni Leila. I slowly caressed her face and kissed her forehead before I dedided to leave to change my clothes. Nagpaalam na ako kay tita na magpapalit lang ako ng damit at babalik lang ako pagkatapos. Pagkauwi ko ay nagbihis na ako at umalis na agad ng bahay. Pero bago ako dumiretso ng hospital ay dumaan muna ako sa isang flowershop para bumili ng bulaklak at bumili narin ako ng pagkain at prutas ni Leila kung sakaling magising na siya mamaya.
Marie’s POV (Leila’s Mother)
Nagpaalam muna saglit si Jarren na magpapalit lang daw siya ng damit at babalik rin siya dito. Ako naman ay lumabas muna saglit upang kumain ng hapunan sa cafeteria ng hospital na ito. Pagkabalik ko ay naupo muna ako sa kaninang kinauupuan ni Jarren, sa tabi ng hospital bed ni Leila.
Hinawakan ko ang kamay ni Leila at saka siya sinumulang kausapin.
“Anak, nakikita kong mahal na mahal ka talaga ni Jarren. Mula noon at hanggang ngayon ikaw parin ang minahal niya. Paano kaya kung hindi nangyari ang lahat ng iyon noon? Paano kaya kung hindi ka naaksidente? Paano kaya kung hindi mo nakalimutan si Jarren? Siguro kung hindi ‘yun nangyari hindi sana siya naghirap kakahanap sayo. Hindi sana siya nasasaktan ngayon na hindi mo maalala na siya na talaga ang lalaki sa buhay mo noon pa man. Pero alam ko naman na kahit hindi mo siya maala bilang si Renren ay masaya naman kayo sa kung anong meron kayo. Sana maging masaya kayo lagi. Alam kong mas magiging masaya siya kapag naalala mo siya bilang si Renren, ang kababata’t minahal mo noon kahit bata pa kayo.”
“M-mommy?”
“Leila, anak! Jusko po, maayos na ba pakiramdam mo? Anong gusto mo? Si Jarren ba? Teka tatawag—”
“Si Renren mommy. Si Jarren ay si Renren. Bakit hindi niyo sinabi sakin na nagka amnesia ako!? Bakit hindi niyo sinabi na may kababata ako at siya ‘yun!? Bakit mommy?”
***
Hope you like it! Leave your votes and comments! THANKS!
-EM♥
BINABASA MO ANG
When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)
Teen FictionWhat will happen if two opposite people crossed their way to each other? But with all those happy things that happened, will this "hidden" truth ruin the protagonists' love story? Will things go on the right place when slowpoke meets the perfectioni...