Chapter 13♥

156 7 6
                                    

Hi ka-slowers! I'm back! Starting this monday na ang hell week! Sht! This week po ako hindi makakapag-update. Babawi nalang po ako. So, here's Chapter 13. Enjoy!

***

Leila's POV

Wala kaming pasok ngayon. Magmi-meeting lang daw kami para sa booth na gagawin ng class namin. Gustong-gusto ko talaga ang cafe or dedication booth. Kapag cafe, gusto kong ako ang gagawa ng oorderin nilang drink tapos lalagyan ko ng design. Kapag dedic naman, gusto ko ako 'yung magbabasa ng mga message na ipapadala nila. Nandyan kasi 'yung mga etorps na idadaan nalang sa sulat ang nararamdaman nila at magpapadedicate ng kanta sa mga crush at gusto nila. 'Yung magboyfriend-girlfriend na nagcecelebrate ng monthsary at 'yung mga manliligaw na nagdadamoves sa nililigawan nila.

Hay. Isasuggest ko talaga ang dedication booth.

"Okay guys... guys!!!! Can I get your attention please!!!" Sigaw ng president namin.

*SILENCE*

"I am now accepting suggestions for what booth are we gonna do on the foundation week. Pakitaas nalang ang kamay ng may mga suggestions." Sabi pa niya.

Nagsitaasan naman ng kamay ang mga classmate namin. Unang tinawag si Sandy. She suggested photo booth. 'Yung sumunod naman marriage booth tapos ning turn ko na ay dedication booth ang sinabi ko. Nauna na kasing sabihin nang iba ang cafe.

Nagvotation na kami at eto ang resulta:

Photo booth- 8

Marriage booth- 10

Cafe- 8

Dedication booth- 18

Jail booth- 6

So based on the votation, the dedication booth got the highest votes. Yehey!!

"Okay. As you can see, the dedic booth won. Are there any violent reactions?" Sabi pa niya.

Wala namang nagreact ni isa sa'min.

"Okay. I guess wala naman. Para sa dedication booth, I need ahm, 8 persons to manage. 2 persons alternately to read the messages, 1 person to be the keeper of money, 2 persons for the sounds and song requests and the 3 persons left is for the gifts or things that is given to whoever the receiver of dedication is. The rest of the class is assigned for the structure and design of our booth, and also the materials and equipments to be used. Volunteers? 8 volunteers to manage the booth." Sabi naman niya.

Nagtaas kaming dalawa ni Sandy ng kamay.

Sana makuha ako. Sana makuha ako.

"Okay. Leila, Sandy, Mica, Maricel, Ace, Gale, Ivory and... wala na bang ibang magvovolunteer? Anyone?"

Ayos ah! Antatamad ng mga kaklase kong ito. Tiningnan ko si Jarren and he is nonchalantly listening to his Ipod. Tinuro ko siya kay Alyanna na president namin.

"Okay Jarren volunteered. The rest of our class will help building our booth and for buying all the materials we need." Sabi pa niya.

Nagsitinginan naman ang mga kaklase namin sa walang ka malay-malay na si Jarren.

Naramdaman naman ata ito ni Jarren at tinanggal niya ang headset niya at tumingin sa'kin.

"What?" Sabi niya at lumingon sa iba pa naming kaklase at tumingin ulit sa'kin. "Why the fvck are they looking at me?"

"Kasali ka lang naman sa magmamanage sa booth natin, syampre nagulat sila. Hahaha." Sabi ko.

"What? Are you fvcking serious? Ako?" Sabi niya.

When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon