Chapter 19♥

102 5 4
                                    

Long time no update! Sorry for the long wait. Busy rin kasi ang author sa school this past few weeks kaya ngayon lang nakapag update. Anyway, enjoy reading chapter 19.


***


Leila’s POV


Dalawang araw na makalipas ng maging kami “officially” ni Jarren, and to tell you honestly, nahihirapan pa akong mag-adjust kasi ngayon seryoso na. Lahat ng sinasabi niya at sasabihin niya ay totoo at galing sa puso niya. At ang lalong nagpahirap sa akin ay ang nararamdaman ko, dahil lumalala na rin. Ang dami rin niyang pinagbago, mas naging maalalahanin, maalaga at sweet siya sa’kin. Kaunti nalang talaga mapagkamalan na siyang bading.


“Leila, hinihintay ka na ng prince charming-slash-sundo mo sa baba,” rinig kong sabi ni mommy.


“Opo. Bababa na.”


Oh? Ang aga ngayon ni Jarren. Ay! Oo nga pala. Hatid sundo na nga pala niya ako mula bahay, school o kung saang lupalop man ako ng Pilipinas naroon.


Ay sandali pa!


Meron pa akong hindi nasasabi. Noong isang araw pinatawag ni Jarren lahat ng estudyante sa school namin. Alam niyo kung bakit? E kasi naman, inannounce niya sa school body na kami na talaga at na walang dapat na manggulo saamin.


“Ba’t antagal mo, babe ko?” sabi ni Jarren ng makababa ako mula sa hagdan.


>////


“Hahaha.”


Shocks!! Narinig ni mommy! –_–


“Ah eh kas—”

“Nagpaganda eh. Paano ikaw ang magsusundo sakanya,” pagputol ni mommy sa sasabihin ko.


“Mommy!”


“Hahaha. Babe naman, okay lang na hindi ka na magpaganda. Maganda ka na naman para sa’kin.”


>////


Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan sa mommy ko at kay Jarren.


“Sige po, tita. Alis na kami. Baka tuluyan ng maging kamatis itong anak ninyo dahil sa pamumula ng pisngi niya. Hahaha.” sabi ni Jarren at tuluyan na kaming umalis papuntang school.


––––––


“Psst!”


“Bakit, Sandy?” walang ganang sabi ko habang nakatingin sa boring na professor namin na nagtuturo sa pisara.


“Ano na?”


“Anong ano na?” mahinang sabi ko habang nakatingin parin sa may pisara.


“Diba kayo na?”


“Oo.”


“Ano nang progress?”


Huh? Pinagsasabi nitong progress?


“Ano? Progress?” sabi ko sabay lingon sakanya.


“Wala. Nevermind. Basta kwentuhan mo ako.”


Hindi ko nalang pinansin si Sandy. Parang ewan kasi siya!


“Hey babe?”


Hay. Isa pa ‘to. Kita nang hirap na akong magconcentrate sa pakikinig dito sa professor namin sa literature tapos eepal pa silang dalawa at kakausapin ako? Buhay nga naman!


When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon