Chapter 2♥

314 13 1
                                    

Again, sorry po sa late update medyo busy po si otor lately kaya eto. Haha XD. Anyways, please be considerate and understanding po kasi alam ko namang pangit 'tong ud ngayon. So, here's chapter 2. Enjoy!

======

Leila's POV

Halaa! Malapit ng mag-uwian. Paano ba naman kasi yan!? Kung may problema sana yung kuyang mukhang playboy edi sana hindi na niya ako dinamay. Ayoko pa naman pumunta sa room 214, nakakatakot kaya! Baka may masama pa silang balak, lalo na yung isang nakapamulsa, naku! Kung maka tingin paman din yun. Tsk!

"Hello. Earth to Leila!"

Ano kayang problema nung isang miyembro ng 7Ps? Parang siya lang kasi yung hindi tumatawa sa grupo nila. Di ko nakita yung mukha niya kanina, nakashades kasi. Pangit siguro yun kaya naglagay ng shades para matakpan ang mukha niya.

"Hoy!"

"Ay! Sorry Sandy? Ano nga ulit sabi mo?" Tarantang sagot ko kay Sandy.

"Tss. Nabubuking kang hindi nakikinig. Kanina ka pa tinatawag ni ma'am. Hala ka." Pabulong na sabi niya.

Tiningnan ko naman ang aming kapaligiran at nakita kong lahat sila nakatingin saamin ni Sandy, pati yung professor namin.

"Ay hehe. Tawag pala ako?" Medyo napalakas ata yung pagkakasabi ko kaya napatingin yung prof. namin.

"Yes Ms. Lisleheart. I guess that you're physically present but mentally absent." Sabi ni ma'am Jane.

Buti nalang talaga at mabait 'tong si ma'am, hehe. Pero teka, chini-check na rin ba ngayon ang attendance nung physically and mentally? Bagong classmate siguro namin. Oo, tama!

"Sorry po. Pero sino po ba yung sinabi niyong absent na si physically at yung absent rin na si mentally? May transferee po ba tayo?" Tanong ko naman.

"HAHAHAHAHAHA." Silang lahat yan.

"Pfft. Ms. Lisleheart, what I mean by that is you are here in our class but your mind is  nowhere to be found." Sabi niya na natatawa.

Ah. Yun pala yun tapos may pa physically present and mentally absent pa si ma'am. Nagulo tuloy utak ko. Hay.

"Ah hehehe, ako po pala yun ma'am. Sorry po." Sabi ko at nag peace sign.

"Pfft. If I caught you not paying attention again Ms. Lisleheart I will not think twice in sending you to detention." Sabi ni ma'am na natatawa padin.

"Okay po ma'am." Sabi ko at yumuko.

Bakit ba kasi hindi ako nakikinig kanina habang nagdidiscuss si ma'am. Ayan tuloy! Aish! Makikinig na talaga ako.

"Okay, where are we?" Sabi ni ma'am.

Ay? Ano ba naman si ma'am. Pati ba naman yun? Nasa classroom kaya siya, di niya alam. Hahaha.

"Ma'am nasa classroom po tayo." Sabi ko naman.

Tiningnan naman ako ng masama ni ma'am. Bakit kaya? May mali ba akong nasabi? Eh sinagot ko lang naman yung tanong niya kanina.

"Hoy Leila. Wag ka ngang mamilosopo." Pabulong na sabi ni Sandy.

Ano bang pilosopo dun sa sinabi ko? Sinagot ko lang naman yung tanong ni ma'am kung nasan daw kami ah.

"Bakit ba Sandy? Sinagot ko lang naman yung tanong ni ma'am ah. Di ba nagtanong siya kung nasan tayo, eh di pinaalala ko lang na nasa classroom pa tayo." Pabulong rin na sabi ko.

When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon