Sandy's POV
"KAYO!?" Sigaw ko.
Wengya naman oh! 'Tong bespren ko naglilihim na sa'kin.
"Oo eh." Sabi ni Leila sabay kamot sa batok niya.
"Aba naman bespren! Kailan mo ba balak sabihin sa'kin na may jowa ka na ha? Kapag mag-asawa na kayo? Kung hindi pa nagpakita ng sweetness si Jarren eh hindi namin malalaman. Bespren mo pa ba ako?"
Naku! Kalimutan daw bang sabihin sa nag-iisang bestfriend niya na may boyfriend na siya?
"Sandy, 'wag ka ng magdrama dyan. Sige na sorry na. Bestfriend kita ano ka ba." Sabi niya pagkatapos akong batukan.
"Araay! Eh kasi naman. May boyfriend ka na. Baka makalimutan mo na ako niyan at mawalan ka na ng oras para sa'kin. Hindi kita mapapatawad." Sabi ko.
"That will never happen, okay? I promise. Sige na, continue eating. Guys, tama na 'yan. Baka mapasukan ng langaw 'yang mga bibig ninyo." Sabi ni Leila sa'min.
Tiningnan ko naman si Jarren at nakita kong nakangiti lang ito. Tapos na niyang himayin ang uulaming fried chicken ni Leila at nagsimula na rin itong kumain.
Hmm? Ano kayang ginawa ni Leila at unti-unting bumabait itong si Jarren sa kanya? Sa'kin kasi hindi. Ang grouchy at ang cold parin niya sa ibang tao. Mabait lang siya sa mga gusto niyang pakitaan ng kabaitan.
Masaya ako at may boyfriend na si Leila. 'Di ko nga akalaing may papatol sa'kanya. Sa sobrang ka-slowan ba naman. Hehe joke lang. Buti naman at nakahanap siya nang katapat niya at nakikita kong nag-iimprove na ng konti ang pag-iisip ni babaita. Haha.
Sana lang hindi siya saktan ni Jarren, kasi kung hindi ay naku! Ipapalapa ko siya sa alaga naming tigre! Ay joke lang pala ulit, wala kami nun eh. Ipapa-salvage ko nalang pala siya, ipapasok sa drum at sesementuhin. Biro lang.
Kung titingnan eh bagay na bagay sila. Parang napaka-perfect na nang tandem nila. Sana lang maging maayos ang relasyon nila. Total opposite pa naman ang ugali nilang dalawa.
Leila's POV
Ang drama ni Sandy kanina. Seryoso! Parang kung makapag-react eh parang mag-aasawa na ako. Wala pa sa isip ko 'yun uy!
Sabay sabay na kaming bumalik sa room after naming maglunch. Naawa nga ako dun sa mga ugok na 'yun eh, palibhasa nung pabalik na kami sa room eh panay ang asar nila kay Jarren. Ayan! Nainis si Jarren at inutusang linisan nung anim ang lahat ng cr dito sa school. Haha.
Oh yes! Alam ko nang family ni Jarren ang may-ari ng school na'to. Kaya pala ang lakas kung makapang-blackmail na pwede akong makick-out sa school kasi sila ang may-ari. Hay.
Teka...
Huh?
Kanina pa parang ewan 'to si Jarren magmula ng makabalik kami sa room. He's smiling like an idiot for about an hour.
"Psst!" Tawag ko at kinalabit siya.
Lumingon naman ang loko pero hindi parin natitinag ang pagngiti niya. Ano bang klaseng katol ang nahithit niya at parang ang laki ata ng sapak niya sa utak? Napangiwi nalamang ako sa itsura niya.
"Ayos ka lang ba?"
"Yes, babe." Sabi niya at mas lalong ngumiti na mas lalong nakapagpangiwi sa'kin.
BINABASA MO ANG
When Ms. Slowpoke meets Mr. Perfectionist (ON-HIATUS)
Teen FictionWhat will happen if two opposite people crossed their way to each other? But with all those happy things that happened, will this "hidden" truth ruin the protagonists' love story? Will things go on the right place when slowpoke meets the perfectioni...