1

526 6 0
                                    



"Lola? Alis na po ako. Baka po mahuli pa ako. Unang pasok ko pa man din po ngayon bilang 4th year college."



Nakangiti akong lumapit kay Lola na pansamantalang nagluluto sa kusina ng paborito niyang pagkain. Nang hindi ko napigilan ang sarili ko ay niyakap ko siya mula sa likod at sandali ko na siniksik at ipinatong rin ang ulo ko sa balikat niya.



"Aba'y napakaaga naman yata ng pasok mo ngayon?" Nagtataka na sagot niya naman sakin. Binitawan niya sandali ang sandok na hawak niya at tumalikod para harapin ako. Napangiti ako ng sobra ng maramdaman ko na ayusin pa niya sandali ang buhok kong naka bun naman na.



"Yon po kasi yung nakalagay sa schedule na binigay sa amin Lola. Ito po tignan mo." Nilabas ko sa bulsa ko ang kopya non at kaagad ko na iniabot iyon sa kanya. Kumuha na lang rin ako ng isang tinapay na nakahain sa mesa para makakain ng almusal kahit papaano. "Ano po lola? Alis na ako?"



"Sige na. Pero mag iingat ka ha?" Ibinalik na niya sa bulsa ko ang kopya ng schedule ko at pagkatapos ay tipid niya na pinagpagan pa ang magkabilang balikat ko bago niya ako sunod na niyakap ng mahigpit. Kaya napayakap rin agad ako sa kanya. "Mag aral mabuti."



"Opo lola." Nakangiti akong lumayo sa kanya at daretso na akong tumalikod para lumakad palabas. Kinailangan ko pa na lumakad papunta sa kabilang street para lang makasakay na. Tumingin ako sa wristwatch ko para tignan ang oras. Napangiti ako ng makita ko na may ilang oras pa na natitira bago magsimula ang klase ko.



Habang patungo na ako sa university, hindi ko alam kung bakit kaagad nanamang umusbong sakin ang kaba na ayaw na ayaw ko ng maramdaman pa. Na para bang ganon na lang rin kaagad na lalabas ang puso ko sa katawan ko. Alam ko naman na unang meet ko nanaman ulit sa mga ka blockmate ko nung nakaraang taon. Pero hindi ko inaasahan na magiging ganito nanaman ako. Balik sa umpisa.



Tahimik akong nakatayo lang muna sandali sa harapan ng gate at malalim na nagpakawala ng isang buntong hininga. Iniisip kung ano nanaman ang magiging resulta ng buhay ko pagkatapos ng huling dalawang semester na ite take ko. Habang abala akong nililibot ang mga nagsisitaasan na room building na natatanaw ko.



"Uy gaga ka! Namiss kita anong ginawa mo nung bakasyon?"



"Long time no see bro! Lumelevel up tayo ah?"



Yon ang mga salitang bumungad sakin ng eksaktong makarating na ako at makapasok sa room. Tahimik lang akong tinitignan silang lahat na may mga sariling mundo habang papunta ako sa pwesto ko. Yeah, ganon lang ang gawain ko uupo lang sa isang tabi at weird lang sila na titignan. Sa totoo lang kasi, hindi ako yung tao na mahilig makipag usap sa iba pero depende na lang kapag sila ang kumakausap sakin.



Siguro dahil na rin sa pagkawalan ko ng interes sa kung saan saan dahil sa isang bagay na talagang nakaapekto na sakin ng husto at hindi ko kailanman pa yon na makakalimutan. Nang silipin ko ulit ang wristwatch ko, eksaktong oras na ng subject namin pero wala pa ang professor kaya sa huli ay pinili ko na lang muna na magbasa ng libro.

The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now