"Beatriz sino yon?"
Mailap akong lumingon kay Lola ng tanungin niya ako. Hinatak niya kasi ako papunta sa kusina para magpatulong na maghiwa ng mga ingredients para sa pagkain na lulutuin niya. Habang kasalukuyan naman na naiwan si Brent sa sala kasama sila Beain at Brethanie. Mula sa pinaroroonan namin ay naririnig ko rin kaagad ang ingay nig pag uusap nila. Kaso 'yon nga lang mas lamang at nangingibabaw ang boses ni Brethanie.
Napamaang ang labi ko at sandali akong natigilan sa ginagawa ko. Nangangapa ako at hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag kay Lola ang tungkol kay Brent. Simula kasi nung nag college ako, never pa akong nagdala ng lalaki sa bahay kahit na may mga pagkakataon noong high school ako na may mga pa group activities dahil puro babae lang naman din ang lagi kong nakakapares.
Ang hindi ko lang rin talaga maintindihan ay kung bakit nandito ngayon sa pamamahay ng Lola ko si Brent. Kanina ko pa rin iniisip kung papaano ba niyang nalaman ang bahay namin. Sa tagal ko kasi na kilala si Brent, hindi ko pa siya ganon na naisasama rito sa bahay kaya paanong nangyari yon?
"U-uhm... ano po Lola, kaibigan po siya ng kaklase ko. Opo yon po yun." Maingat at halos mautal na sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay yumuko na ulit ako para ipagpatuloy muli ang kaninang paghihiwa na ginagawa ko sa karne.
Sunod ay kinuha ko na rin ang lalagyanan ng mga sibuyas at kamatis para hugasan ang ilan sa mga iyon at hiwain. Dahil kung ano ano na lang rin kaagad ang pumapasok sa kokote ko sa takot ko na baka kung ano na ang nangyayari kay Brent roon sa sala kasama ang mga kapatid ko!
Lahat na ng halos kailangan gawin ay ginawa ko na para lang maiwasan ang tingin ni Lola sakin na sobrang lagkit at init. Hindi ko alam pero yon ang nararamdaman ngayon ng katawan ko kahit na hindi naman ganon kainit ang loob ng bahay! Ponyemas!
"Beatriz Kleiah... Naaalala mo pa ba yung lagi kong sinasabi sayo?" Biglang sabi ni Lola sakin. Kaya naman ganon na lang rin ako halos matarantang tumingin ulit sa kanya. Muntikan na rin masugatan ang kamay ko pero buti na lang ay mabilis ko na naitaliwas ang matalim na kutsilyong hawak ko.
"Palagi naman po yon nakatatak dito Lola." Simpleng sagot ko naman sa kanya. Habang tahimik ko na itinutok ang hintuturo ko sa gilid ng sentido ko at tipid siyang ngitian. "At isa pa, hinding hindi ko po iyon gagawin hangga't hindi ko pa naaabot ang mga pangarap ko."
"Mabuti naman kung ganon." Hinawakan niya at hinaplos ang buhok ko bago niya ako sunod na nginitian. Sunod ay kinuha naman niya na din sakin ang kutsilyo na hawak ko at itulak ako ng mahina paalis sa pwesto ko. "Sige na, iwanan mo muna ako rito at puntahan mo na sila roon tignan mo kung ano na ba ang ginagawa nila."
Tulad nga ng sinabi ni lola ay tahimik akong naglakad palabas sa kusina hanggang sa marating ko ang sala kung saan eksaktong nahuli ko si Brethanie na nakapalumbaba at patagong humahanga kay Brent! Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano iyon sunod sunod na kumikislap na para bang nakakita siya ng artista! Yawa!
Sa kawalan ng masabi ay wala sa sariling napahawak na lang rin kaagad ako sa sentido ko at saglit na yumuko. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya!
"Bea kanina ka pa ba jan?" Mabilis ko na inalis ang kanang kamay ko sa noo ko ng iangat ko ang paningin ko kay kuya Beain ng marinig ko ang boses niyang tawagin ako. Bahagya niyang itinaas ang kaliwa niyang kilay at para bang ganon na lang siyang nagtataka kaagad sa kung anong kinikilos ko.
"Ahah! Hindi. Halos kakarating ko lang rin para silipin kayo inutos kasi ni Lola sakin." Tanging sagot ko sa kanya sabay lingon ko na rin kay Brent para tansahin kung ano na ba ang lagay niya. Kung naiinip na ba siya, naiilang o nahihiya dahil sa presensya ng pamilya ko. Pero sa ilang saglit ko siyang tinignan ay wala naman akong napansin na ganon sa kanya.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomantizmFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.