"Siya nga pala? Ano yung tinitignan mo roon kanina sa labas ng bintana?"
Tahimik akong lumingon kay Samantha ng maramdaman kong sundutin niya ang tagiliran ko. Tapos na kasi namin I-take ang exam sa lahat ng subjects ngayong araw ng Martes. Kami lang rin munang dalawa ang naiwan sa mesa para magbantay dahil nag volunteer sila Chandria na sila na lang raw ang o-order at bibili ng pagkain naming lahat.
"Ah yon ba?" Maingat na sabi ko sa kanya at sandaling umiwas ng tingin para umisip ng pwede kong maidahilan. Oo nga, bakit nga naman ginawa ni Brent yon kanina? Para naman saan? Saka isa pa, hindi kaya... Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat ng ma realize ko ang naisip ko!
"Hindi... hindi pwede yon." Napapahawak akong nilagay at ipinantakip ang magkabilang kamay ko sa bibig ko.
Siguro dahil nagugustuhan kita...
Siguro dahil nagugustuhan kita...
Siguro dahil nagugustuhan kita...
"Hindi...hindi..hindi pwede yon." Sunod sunod akong napailing habang hawak na ng isang kamay ko ang bandang dibdib ko. Hindi ko alam pero unti unti na akong nakakaramdam ng inis lalo na't kasabay niyon ay ang paglakas at bilis ng takbo ng puso ko!
"Bea! Hoy! Bea!" Uyog sakin ni Samantha. Nang mapalingon at ibalik ko ang tingin ko sa kanya, awtomatikong tumaas ang kilay niya dahilan para mapalunok akong kunin na lang rin kaagad ang isang basong tubig na nasa harapan ko at mabilis iyon na ininom. Pakiramdam ko para na kaagad akong nanghihina. "Ayos ka lang? Anong nangyayari sayo? Bakit parang...pa-"
Mabilis ko na tinaas ang isa kong kamay at sunod siyang tipid na nginitian bago tumango. Dahilan para matigilan siya sa pagsasalita. "Okay lang ako."
"Sigurado ka ah?" Nag aalalang tanong pa ulit ni Samantha.
"Oo okay lang talaga ako." Paniniguradong sagot ko rin sa kanya. "Saka yung tungkol sa tanong mo... wala yon."
"Ah okay. I thought you were looking for someone kasi." Kinamot niya ang batok niya at sandali na tumawa. "Pero teka nga muna, bakit yata ang tagal nila Yvette bumili? Kanina pa pumila yung mga yon ah?" Pag iiba niya rin kaagad ng topic.
Kaya sa huli, tulad niya ay lumingon lingon na rin ako sa paligid at tumayo para hanapin kung saang stall ba bumili sila Gianna dahil naririnig ko na ang pagkulo ng tiyan ko. Pero dahil sa dami ng estudyanteng nakatambay roon at kumakain, hindi namin ganon na nahanap sila Chandria. Kaya bumalik na lang ako sa pagkakaupo ko at nilabas rin ang phone ko para tawagan ang isa sa kanila.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.