"Congratulations Engr. Acosta for doing such good work."I smiled to my co-worker as he went inside to my office to give the folder about my new project. He salute also to me which made me shaking my head a bit. As he went gone, the smile on my lips suddenly faded away because I couldn't still stop thinking about Beatriz. It's been months since I stop myself seeing her.
Sa totoo lang hindi naging madali sakin ang lahat ng yon. Araw araw ako na sinusubukan ng tadhana kung hanggang saan ba ang kaya ko na tiisin para lang hindi makita si Beatriz. Kahit na sa loob ko ay gustong gusto ko siya na yakapin at samahan sa mga panahon na malungkot siya. Kailangan niya ako pero hindi ko man lang siya masamahan dahil sa hindi makatao na ginawa ng mga magulang ko.
"Did you already break up to that girl?" Masama ko na tinignan si Dad ng yon agad ang ibungad niya sakin pag uwi ko galing sa trabaho. "What? Don't tell me you didn't leaving that-"
"She's a nice girl for haven's sake! Dad!" I shouted at him. Making him cutting off to his thoughts. Sa tuwing uuwi kasi ako at bibisita sa kanila sa bahay, yon palagi ang bukambibig nila sakin. Ang makipaghiwalay sa babaeng mahal ko.
"Anak, ano bang pinakain sayo ng babae na yon at bakit ka nagkakaganyan?" Singit ni Mom sa pagitan namin ni Dad. Nakakunot ang noo niyang tinititigan ako. "Hindi mo ba naiisip kung sino ang kinakausap mo?"
Sarkastiko ako na tumawa at tumingala sandali sa kung saan. Bahagya akong ngumiwi bago at kinagat ang pang ilalim ko na labi. Hindi ko na rin naiwasan pa na mapahawak sa gilid ng sentido ko.
"Seriously mom?! Pati ikaw?" Tinaasan ko siya ng kilay. Malalim ako na nagpakawala ng isang buntong hininga. "So the both of you would wanted me to breaking up with her, just because you and her parents didn't have in good terms?" Tumango tango ako. "I couldn't take this anymore."
"Anak," Tawag pa sakin ni Mom pero hindi ko na siya pinansin pa at pinag aksayahan ng oras para pakinggan ang mga susunod pa niya na sasabihin. Tumalikod na ako sa kanila at mabilis na lumabas ng bahay.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sasakyan ko pero hinayaan ko na lang at nagpaanod lang ako roon. Sa huli, nakita ko na lang din ang sarili ko na huminto sa labas ng sementeryo. Kung saan doon nakahimlay ang mga magulang ni Beatriz.
Imbis na pumasok ako sa loob para bumisita, hinayaan ko lang ang sarili ko na manatili sa loob ng sasakyan at tahimik na tumitig lang roon mula sa harapang salamin ng sasakyan ko. Yumuko na ako ng hindi ko na kinaya pa ang nalaman ko na ginawa ng mga magulang ko sa kanila. Inis ko na pinaghahampas ang manibela ko hanggang sa mapahawak ako sa sentido ko.
"Why... why did the both of you did that... to them..." I asked to myself.
After that night, I started to tell on myself that I should and needed to concentrate on my work. Lahat ng dapat na pwedeng gawin, ginawa ko na para lang hindi ko muna isipin si Bea. Nandoon yung pinipili ko na mag overtime sa trabaho ko at manatili sa office ko para tapusin ang lahat ng kailangan ko asikasuhin. Pero madalas ay sumasama na lang talaga din ako kay Tyler. Hindi para mambabae at kumuha ng maikakama roon para lang makalimot sa nangyari sa amin ni Bea. Kung hindi para pa kalmahin sandali ang sarili ko sa lahat ng mga nangyayari.
Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko ang humanap ng iba simula nung maghiwalay kami ni Bea. Dahil para sakin, wala akong ibang babae na nakikita pa na mas hihigit sa kanya. Para sakin, walang katumbas ng kahit na sino o kung ano man ang makakapalit sa kanya sa puso ko. Siya lang at walang iba. Ilang beses man niya ako na ipagtabuyan kung sakali, hinding hindi ako magsasawa sa kanya.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.