15

136 3 0
                                    


"Aray! Ano ba! Bitawan mo nga ako!"


Inis na sabi at sigaw ko kay Brent ng maramdaman ko ang kamay niyang  nakahawak sa braso ko. Pilit niya na kasi akong pinapapasok sa sasakyan niya kahit na alam ko naman din sa sarili ko na hindi naman talaga ganon karami ang nainom ko na tequila kanina. Sa totoo lang, ayoko naman din talaga na uminom ng alcoholic drinks kung hindi lang ako inaya at tinulak ni Gianna.



"Kleiah, can you please follow me? Just for this time." Mahinahon na sabi naman niya din kaagad sakin. Kaming dalawa na lang rin kasi ang magkasama ngayon dahil humiwalay na ang iba pa namin na mga kaibigan para mag solo. Hindi ko nga alam kung nakauwi na ba sila Aiofe dahil kay Carlton siya sumama.



"Hindi naman kasi talaga ako lasing eh!" Halos maiiyak ng paliwanag ko pa ulit sa kanya. Pero parang hindi naman siya ganon nakukumbinsi kaya sa huli ay walang paalam na lang rin akong kumilos papasok at paupo sa shutgon seat. Naramdaman ko rin naman na hawakan niya ang ulo ko kaya naman inangatan ko suya ng tingin. Pero kasabay non ay basta na lang ulit nanaman niyang hinalikan ang labi ko.



"I love you, Just take a rest first." He winked at me before he closes the door beside of me. Bahagya lang na lumaki ang mga mata ko at tahimik siya na sinundan ng paningin paikot rin sa driver's seat. Nang makapasok na siya ay minsan pa niya ulit akong nilingon bago niya sunod na binuksan ang makina ng sasakyan niya at patakbuhin iyon ng katamtaman lang.



Habang nasa biyahe kami ay tahimik ko na lang na hiniga rin muna ang sarili ko sa kinauupuan ko at pilit na iniiwas sa akin ang mini aircon na nasa harapan ko. Pakiramdam ko parang ganon na lang na umiikot agad ang mundo ko at para bang nasusuka na ako. Pero sa kabila non, ay ganon ko na lang rin narinig si Brent na may kinakausap sa earpods na suot niya. Base sa tono niya, parang related yon ulit sa course niya. Since need niya na i prepare ang sarili niya para sa board exam na ite take niya.



"She's still with me," Ramdam ko ang tingin ni Brent sakin. I could also felt his hand on me to intertwined it. "How about Yvette? Is  her boyfriend doesn't still picking her up?"



Patuloy ko lang sila na naririnig sa pag uusap. Pero hindi tulad ng iba, hindi ko sila pinapakielaman at tanging nakapokus na lang din muna ako para pakiramdaman ang nararamdaman ng kalooban ko. Ngunit wala pa man din ilang minuto ng maramdaman ko na kakaiba na ang nararamdaman ko, mabilis ko na tinapik tapik ang kamay ni Brent. Dahilan para mabilis ko na nakuha ang kaniyang atensyon.



Sa huli, laking pasasalamat ko ng ma gets niya yon kaya naman mabilis niya na itinabi rin muna sa nadaanan namin na bakanteng lote ang sasakyan niya. Pagkatapos ay walang salita siya na bumaba sa sasakyan para umikot papunta sa pwesto ko. Nang buksan niya ang pinto ay doon ko na rin muna ibinaba ang isa ko na paa hanggang sa tuluyan ko ng ilabas ang dapat ko na ilabas. Sa takot ko na baka madumihan ang sasakyan niya ay akmang tatayo na sana ako ng kaunti para ilabas pa ng kaunti ang kalahati ng katawan ko pero hindi ko natuloy dahil sa pagpigil ni Brent sakin.



"Be careful," Pagpapaalala niya sakin. He also give me already his handkerchief after I've done.

The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now