2

252 7 0
                                    


"Saan ka galing? Anong petsa na ah?" Bungad na tanong sakin ni Aiofe ng makita niya akong late ng makapasok sa room.



Kasalukuyan na kasing nasa kalagitnaan ng pagdi discuss ang professor namin at natigil lang ng pumasok ako. Sa ilang minuto ko lang rin na nahuli ay ganon na lang karami agad ang namiss ko na topic. Sa kabila rin niyon ay ramdam ko na nasa akin nanaman ang tingin nila Samantha pero hindi ko na lang muna sila pinansin at mas pinokus ang sarili ko na makinig muna pansamantala sa professor namin.



Mabuti na lang rin talaga at hindi ganon na ka terror ang professor namin dahil kung hindi, siguradong mayayari na kaagad ang attendance ko ng wala sa oras. Naging maganda rin naman ang naging flow ng klase namin kahit papaano at kahit na nahuli ako, laking pasasalamat ko ng makahabol ako at maintindihan kahit papaano ang kanina pa na idini-discuss sa klase.



"Uy teh? Nakita mo yung pinagkakaguluhan kanina sa canteen?" Usyoso kaagad na tanong sakin ni Gianna ng lumapit siya at huminto sa harapan ko. Halos ganon ko na lang rin siya maduro ng ballpen ng magulat ako sa mukha niyang nakatuon na mismo sakin ng maibalik ko ang paningin ko. Nagsusulat kasi ako ng lesson tapos ganon!



Naihawak ko ang isa kong kamay sa dibdib ko at ganon na lang rin kaagad akong napasandal sa kinauupuan ko. Bahagya rin akong natigil sa sinusulat ko dahilan para malalim na lang rin akong mapabuntong hininga. Pero sa kabila rin niyon ay bigla na lang rin sumiklab sa dibdib ko ang biglaan nitong pagbilis! Pagbilis na siya ring nakapagpalunok na lang rin sakin ng wala sa oras!



Pakiramdam ko rin ay ganon na lang kapula bigla ang mukha ko dahil sa isipin ko tungkol sa nangyari kanina sa canteen. Hindi ba dapat masaya ako? Dapat masaya ako dahil hindi pala nila alam na ako at yung lalaki na humila sakin ang mga taong pinagkaguluhan kanina. Pero bakit ganito?



"Beatriz!" Biglang sigaw at paghampas ni Gianna sa mesa ko dahilan para ganon ko na lang ulit maibalik sa kanya ang paningin ko. Kunot na ang noo niyang nakatingin sakin at para bang ganon na lang rin niya sunod na binabasa ang nilalaman ng isipan ko. "Sigurado ka bang okay ka lang?"



"O-Oo naman! Bakit naman hindi?" Mabilis at walang alinlangan na sagot ko rin kaagad sa kanya. "Bakit.. ano bang nangyari roon kanina?" Pag iiba ko na lang rin kaagad ng usapan.



"Sabi kasi may estudyante raw kanina na muntikan ng matamaan ng baseball bat yata yon." Inosenteng sabi naman niya. Minsan pa niya na inihawak ang kanyang kamay sa baba niya halatang ganon na lang siya ka curious talaga. "Pero ang sabi may lalaki raw biglang humatak sa babae na yon." Tumingin siya ulit sakin pagkatapos niyon ay bigla na lang rin siyang ngumiti ng nakakaloko.



"Wala ka man lang bang sasabihin?" Tanong niya din sakin ng hindi man lang ako nagsalita at nagreact tungkol roon. Umiling lang ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago inalis ang paningin ko sa kanya at pinagpatuloy ang kaninang naudlot ko na pagsusulat. Mabuti na lang rin at sandali na lumabas ang professor namin kaya naman ligtas kami na hindi mapagalitan dahil sa pag iingay.

The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now