12

114 3 0
                                    

"Dito. Dito tayo."


Utos ko kay Brent ng makarating kami sa sementeryo kung saan nakalibing sila Mama at Papa. Yon na kasi kaagad ang pumasok sa isip ko ng ayain niya ako at tanungin kung saan ko gustong pumunta. Sayang din naman kasi yung suot ko at pag aayos ko kung sakali.


Nung una ayoko talaga pumayag na samahan niya ako dahil hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa rin ako sa presensya niya. Siguro dahil na rin sa nangyari nung nakaraang araw tungkol sa pag amin niya ng nararamdaman niya sakin. Pero hindi hadlang yon dahil maski naman ako meron talagang nararamdaman.

"Where?" Tanong niya sakin habang nasa likuran ko siya. Ako kasi ang nauuna na maglakad sa aming dalawa. Masyado rin kasi maraming pasikot sikot sa puntod nila mama kaya naman minsan pati ako nalilito na. Lalo na't sa totoo lang ay minsan na lang akong nakakadalaw sa kanila dahil sa sobrang pagka busy ko noon sa acads.


"Basta sumunod ka na lang sakin." Sagot ko na lang rin kaagad sa kanya. "Ayon! Nakita ko na tara."


Pagdating namin roon, eksaktong bumagsak naman ang malakas na ulan dahilan para i lock ko din agad ang gate ng puntod nila Papa. Para hindi kami mabasa ay hinatak ko na lang rin kaagad ang braso ni Brent. Pero mabilis ko rin na binitawan yon ng makita ko siyang mapalingon din agad roon.


Kinuha at kumilos nalang rin kaagad ako para ilabas ang binili namin na isang casket ng bulaklak at mga kandila. Tahimik at nakangiti ko na ipinatong iyon sa ibabaw ng mga puntod nila pagkatapos ay umupo ako para haplusin ang pareho nilang mga lapida.


"It's been a long time no see," Bulong ko. "Mama, Papa."


"Hello po," Nalipat ko agad ang tingin ko kay Brent ng hindi ko mapansin na umupo rin pala siya sa tabi ko. Tulad ko, nakangiti siyang pinalipat lipat ang paningin niya sa lapida nila Mama at Papa bago siya muling tumingin sakin. "I'm Brent Xavier Acosta po. Kleiah's friend. But s-"


"Ah Ma, Pa kamusta na po pala kayo jan?" Sabi ko naman din kaagad at humarap sa lapida dahilan para hindi na niya matuloy pa ang dapat niyang sabihin. Hindi ko alam kung bakit pero ayon nanaman agad ang pagbilis ng takbo ng dibdib ko!


Sa huli, hindi ko na ulit alam kung papaano magsasalita at kung ano ang dapat idugtong sa dapat ko na sabihin kila Mama at Papa! Narinig ko ang tawa ni Brent pero kaya naman ganon ko na lang rin siya kasamang tinignan.


"Okay, okay!" Nakakalokong sabi niya sakin. Habang taas taas ang magkabila niyang mga kamay na para bang sumusuko na din siya kaagad. He also glance to my parents again before gulp. "I will shut up now my mouth and give you some privacy."


Hindi na ako nagsalita pa at mabilis na lang na sinindihan ang kandila na hawak ko. Tulad nga ng sinabi ni Brent, tumahimik na lang siya na tumayo sa gilid at pinanuod ako. Hinayaan niya rin naman ako na makipag usap sa mga magulang ko. Sa kabila non, patuloy pa rin ang buhos ng ulan. Kaya naman ilang oras din muna kaming nag antay roon pagkatapos para patilain ang ulan.


"Why you're parents died?" Tanong bigla ni Brent sa gitna ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Dahan dahan siyang naglalakad lakad palapit ulit sa lapida nila Mama at Papa para tignan ang mga litrato nila na naroon. Pagkatapos ay binalik niya ulit ang tingin sakin. "Nagkasakit ba sila ng walang treatment?"


I shake my head and walk towards on him. I give him a small smile before looking also to my parents photo that he was now handed in frame. My parents smile's there are so precious because that was the time when all of us including Kuya Beain and Brethanie went to Baguio City to had our family vacation.


The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now