17

118 3 0
                                    


TW: Bullying 


"Group 3 can you please prepare yourselves for your presentation?"



Punong puno ako ng kaba matapos kong marinig ang sinabi ng adviser namin at halos ganon na lang akong tumayo kaagad rin papunta sa harapan kasama ang iba ko pang mga ka grupo na talaga namang wala man lang akong makita na kahit anong kaba sa kanilang mga mukha. Habang ako, ito at sobra sobra na ang kaba na nararamdaman.



We have our presentation kasi ngayon sa P.E. about sa mga sinaunang sayaw dati. Absent kasi ako nung mga nakaraang araw na nagkita kita ang iba kong mga ka grupo kaya hindi ko alam kung papaano ang gagawin ko ngayon. Idagdag pa ang katotohanan na kinailangan ko pumasok sa trabaho nung nakaraan dahil sa biglaang pag atake ng sakit ni Lola na siya ring naging dahilan ko para maaga akong makauwi at dumeretso sa ospital. 



"Bea, sure ka ba na kaya mo yung part mo?" Nag aalalang sabi sakin ng ka grupo ko nang maramdaman ko na tusukin niya palihim ang tagiliran ko. Dahan dahan ako na tumingin sa kanya. Nang hindi ako magsalita ay doon na niya ako tinaasan bahagya ng kilay. "I knew it!" 



"Ma'am!" Biglang pagtaas at pag agaw niya sunod ng atensyon ng lahat dahilan para ganon na lang rin matigilan sandali ang leader namin sa pagsasalita tungkol sa topic. Napuno ng katahimikan ang apat na sulok ng classroom at tanging sa kanya lang kami lahat nakapokus. Nagulat ako at napalunok na lang rin kaagad ng wala sa oras ng maramdaman ko na ituro niya ako. Akmang magsasalita na sana ulit ako pero inunahan na niya ako. 




"Bea, wasn't in a good condition right now due to her headache." Deretsong paliwanag niya na hindi ko inaasahan! What the frick she was doing all of a sudden? Napapalunok akong tumingin sa kanya at akmang hahawakan sana ang kamay niya para ibaba pero kusa na lang din niyang nilayo yon sakin kaya palihim na akong pumikit at kinagat ang pang ilalim ko na labi. "So as her groupmate, Can I excuse her so that she can go now to the clinic?" 




Wala at hindi kaagad nakapagsalita ang teacher namin na tahimik lang na nakatingin sa amin. Hindi ko man alam kung ano ang nasa isip niya pero sa isip ko ay para bang ayaw niya pumayag lalo na sa tinginan niyang nakatuon na ngayon mismo sakin. Tinginan niya na mas lalo lang nakapag papa trigger sa kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko para na akong mawawalan ng malay!




"You may go now Ms. De Lara," Ma awtoridad na sabi niya pagkatapos ay itinaas niya sunod ang kamay niya at lumingon sa kabilang gilid niya kung saan naroon si Dahlia. "Go with her." 



Sa pagkailang ko ay mabilis ko rin na itinaas kaagad at iniharang ang dalawang magkabilang kamay ko para tumanggi. "Ano, hindi na po ma'am okay na kaya ko na po." Mabilis na sagot ko. Totoo naman kasi na hindi ko na kailangan ng tulong ni Dahlia para samahan niya ako sa clinic lalo na't hindi naman din kami ganon ka close ng sobra sa isa't-isa. 



Kaya sa huli, wala na akong nagawa kung hindi ang magpakawala na lang ng isang buntong hininga bago ako magpamaunang lumakad kay Dahlia. Nang tuluyan na kaming makalabas sa room ay doon na ako huminto rin kaagad sa paglalakad at hinarap siya. Kasabay ng pagsalubong ko sa mga mata niyang masama na rin naman kaagad ang tingin sakin. Well, she's always like that when it comes to me. Kahit na sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang kinakagalit niya sakin. 



Walang tao sa paligid ng hallway at tanging kami lang dalawa ang nandoon kaya naman hindi na ako ganon pa na nagtataka kung bakit ganon na lang niya ako i trato ngayon. Tahimik siya na lumingon muna rin sandali sa magkabilang dulo ng hallway bago siya lumakad palapit papunta sakin habang tahimik niya rin na ipinagkrus ang magkabila niyang mga braso. Kasabay ng pagtaas ng kanyang mga kilay. 



The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now