"Dear our fellow Tourism Students, we have our graduation pictorial later at 3PM. See you at the Photoshop near at DLU campus."
Awtomatikong napatingin kami lahat kay Gianna ng basahin niya ng malakas sa harapan namin ang announcement. Grabe yon na pala talaga. Hindi ako makapaniwala na ga graduate na ako, kami ng mga kaibigan ko. Kasalukuyan siyang nakatayo ngayon at nakangiti na ibinaba ang phone niya at tignan kami isa isa. Bakas sa mukha niya ang hindi mapigilan na excitement kaya naman ganon na lang rin akong nahawa sa kanya.
Napatingin ako sa phone ko ng tumunog yon at nag vibrate. Pagbukas ko ang dami palang text message sakin ni Kuya Beain maging ni Brethanie na puro ang laman non ay congratulations! You've made it na may kasa kasamang mga emoticon at cute emoji. Sa totoo lang, wala akong kaide-ideya kung papaano nilang nalaman na lang din kaagad ang tungkol roon. Siguro baka sa mga ka dorm ko.
"So ano oras tayo magkikita kita niyan? Anong oras na oh," Nakangiwing tinaas ni Samantha ang kaliwang kamay niya at itinuro ang kanyang relo. Pinalipat lipat niya rin ang paningin sa aming lahat. Naghihintay sa maaring isagot namin.
Kasalukuyan kasi kami ngayon na nakatambay sa bahay nila Yvette dahil nag aya siya at bored daw siya. Eksakto rin na wala ang pareho niyang mga magulang dahil bigla raw itong nagkaroon ng emergency sa office nila. Mabuti na nga lang at wala kaming pasok ngayong araw. Tapos na rin kasi ang thesis defense namin kaya naman skip na kami sa salitang 'stress'.
"Let's go to 2PM." Sagot naman din kaagad ni Chandria. Lahat tuloy ng atensyon namin ay napunta kaagad sa kanya. "Para may isang oras pa tayo para antayin yung mga late coming jan." Diniinan niya ang huling sinabi. Pagkatapos ay tumingin siya kay Sam na tinarayan lang siya at padabog din agad na sumandal sa kinauupuan niya.
Sa huli, napuno din tuloy ng tawanan ang puwesto namin. Tulad nga ng sinabi at napag usapan namin, lahat kami ay nagsidatingan sa lugar ng around 2 PM. Pero halos ganon na lang rin kaming nagulat ng makita namin kung gaano na karami ang mga estudyante na tulad namin na nandoon! Halos ang iba ay doon na rin nagsisi retouch-an ng mga make up nila.
"Dito tayo!" Hatak at aya naman din kaagad sa amin ni Aiofe ng bigla na lang sumikat ang napakatirik at init na sinag ng araw sa kinatatayuan namin. Ang sakit kasi non sa balat kaya naman tumakbo na rin kaagad kami sa lilim. Nakisiksik na lang rin kami at nakiusap sa mga nandoon na ka batch din namin. Natigilan lang ako sa pag urong ko ng aksidente akong mapatingin sa ID lace nung lalaki na nasa likuran ko.
Engineering! So ibig sabihin... nandito rin sila? sila ng mga kaibigan at kaklase niya?! Pero bakit nila pinagsabay? Hindi ba dapat kada department lang yon? Dapat HRM lang ang kasabay namin. Bakit?!
"Bakit? Ano meron? Para ka yatang nakakita jan ng multo?" Dunggol sakin ni Samantha. Napansin niya pala ako na matigilan! Kumunot ang noo niya at ganon na lang rin tumingin sa likuran ko bago niya ibinalik ulit ang tingin sakin.
"Sam?" Biglang tawag ko na lang din sa kanya. Tumaas ang kilay niya kaya naman napalunok ako. "Lahat ba ng course sa ibang.. ibang department kasabay natin ngayon magpa pictorial?" Mahinahon at maingat na tanong ko sa kanya na para bang ang laking kasalanan na kaagad niyon.
"I don't know," Sagot naman niya din kaagad sakin. "Saka isa pa, ano namang problema doon kung oo?"
Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at sunod sunod yon na iwinagayway sa kanya. "Wala naman. Wala" Ngumiti na lang rin kaagad ako sa kanya bago umiwas ng tingin.
"Wala, wala ka jan," Dinig ko pa na sabi niya. Halos ganon na lang rin akong magulat ng hindi ko akalain na tanggalin niya ang suot ko na salamin dahilan para maibalik ko sa kanya ang paningin ko. Pero nginitian niya lang ako bago niya sunod na inabot yon kay Chandria!
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomantizmFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.