"What do you want? Why did you do this to me?"
Literal akong napatigil sandali sa pang scroll ko sa phone ko at pabuntong hiningang inangat ang ulo ko para tumingin sa malaking screen ng TV. Kasalukuyan kasi na nagyaya sila Gianna na manuod ng movies dahil hindi tulad nung isang araw, wala sila ngayon sa mood para gumawa ng kahit na anong outdoor activities. Hindi ko alam pero nang matapos ko marinig yon parang naramdaman ko na lang bigla na may tumusok sa dibdib ko. Sa inis ko, tahimik na lang akong inalis din kaagad ang paningin ko doon at nilipat sa labas ng sliding door kung saan kitang kita ko ang kagandahan ng lugar.
"Ano ba yan! Bakit naman ganyan yang palabas na yan? Puro na lang sakitan." Reklamo at dinig na sabi naman din kaagad ni Sam. Siya kasi ang katabi ko ngayon dahil ayoko tumabi kay Aiofe. Maingay.
"Bakit ganyan naman talaga kapag pumapasok ka sa isang relasyon ah? Hindi mo maiiwasan ang hindi masaktan." Depensang sagot din kaagad ni Chandria sa kanya. "Bakit ano bang akala mo sa pag ibig? Puro saya lang? Hindi no!"
"Wala naman akong sinabi Chands," Palaban na sagot ni Samantha. Ayaw niya patalo!
"Hoy! Kayong dalawa, tigil tigilan nga ninyo yan ha?" Turo at awat na din ni Gianna sa kanilang dalawa. "Kung hindi pag uuntugin ko kayo." Maawtoridad na dagdag pa niya.
"Bakit ako?" Nakataas ang kilay na reklamong sagot ulit ni Chandria.
Sa ingay nila, wala sa sariling tumayo na lang din kaagad ako sa kinauupuan ko at tahimik na tinakpan ang mga tainga ko palayo sa kanila para hindi ko na marinig din ang pinagtatalunan nila. Dala ang phone ko, ay sunod na lang rin akong umupo sa maliit na upuan na meron doon sa balcony at doon sinimulan ko sinimulan ulit na kumuha ng mga litrato. Ewan ko kung bakit pero kapag nakakakita talaga ako ng magagandang bagay, awtomatiko na lang akong kumikilos para kuhaan ang lahat ng yon ng litrato.
Pangalawang araw pa lang namin ngayon sa Pampanga pero parang ganon ko na lang rin na realize kaagad na ang dami na naming nagawa kahit na konti pa lang naman. Akala ko nga ay susunod pa sakin sa balcony si Yvette pero nanatili lang siya na sumamang manuod kila Aiofe. Pero okay na rin yon dahil wala rin naman ako sa mood ngayon para makipag usap. Instead, nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng mga litrato not until hindi ko inaasahang matutunton ng camera ko si Brent!
Oo siya nanaman! Hindi ko alam kung nagkataon lang nanaman ba yon o hindi. Kasalukuyan siya ngayon na nakatagilid at tahimik lang na nakatingin sa malayo habang may hawak siyang isang baso ng wine. Nakasandal din siya sa railings at bahagyang nililipad na ng kaonti ang kanyang buhok dahilan para wala sa sariling mabilis ko na ibaba ang phone ko at tumalikod paharap ulit kila Samantha na mabuti na lang ay abalang abala pa rin sa panunuod.
"Ano yon? Bakit ganito na lang agad ang nararamdaman ko?" Bulong na tanong ko din agad sa sarili ko ng iyakap ko at itago sa dibdib ko ang phone ko. Sobrang bilis kasi ng tibok non ngayon! Pakiramdam ko rin tuloy ay sobrang init na ng mukha ko!
"Bea! Come here let's eat!"
Mas mabilis pa sa minuto akong bumalik agad sa katinuan ko ng marinig din agad ang boses ni Aiofe na tawagin ako. Nakangiti siya na itinaas ang isang baso at ipinakita yon sakin. Kaya naman sa huli ay kumilos na ako at pinalipas ang naisip ko.
Sa bilis ng araw na lumipas, hindi ko na lang rin namalayan na uuwi na ulit kami mamaya sa Manila para bumalik at harapin ulit ang mga responsibilidad na dapat namin namin gawin. Kaya naman para hindi na rin magkaroon ng aberya mamaya, bumaba na ako sa kama para makapaghilamos ng mukha ko at makapag asikaso ng mga gamit ko. Pero wala pa man din ako sa labas ng kwarto ko ay may naamoy na kaagad akong pagkain kaya naman inassume ko ng nagpa service na ng pagkain si Aiofe.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.