"Okay nga lang ako para kang siraulo jan. Tigilan mo na nga ako kanina mo pa ako tinatarget."
Medyo inis na mood ko ng bumalik ako sa upuan ko matapos ko magpaalam sandali kay Yvette para pumunta sa comfort room. Hindi ko kasi napansin na nagkanda buhol buhol na ang tali ng satin dress na suot ko. Bukod doon, kanina pa kasi niya ako inaasar at kinukulit tungkol sa pagiging maga ng mga mata ko.
"Sus! Ako pa ang balak na lokohin," She scoffed and leans her back against the chair while her arms crossed also against her chest. Titig na titig siya sakin na para bang ganon na lang niya talaga siyang nang uusisa. Dinaig pa niya si Detective Conan. "Ano nga?"
"Yung totoo? Kailangan mo pa ba yon malaman?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nang tumango siya ay tumawa lang ako sandali bago umiling at yumuko para galawin ang pagkain ko. Wala na yata akong kawala pa sa kanya. Haist! Isip ng palusot Bea!
Umiling iling ako. Hindi. Hindi. Ayoko sabihin sa kanya ang tungkol pa roon. Siguro sa susunod na lang.
"So I guess you don't want to share it though?" Maingat at parang nangangapa siya na tinignan ulit ako ng hindi ko sagutin ang tanong niya. Pagkatapos ay malalim siya na bumuntong hininga bago niya sunod na kinuha ang baso niya para ubusin ang natitira pang tubig.
Akala ko nga ay mangungulit pa siya ulit pagkatapos non, pero laking pasasalamat ko na ng tumahimik na siya at nanatili na lang na nakatitig sakin. Mukhang inaalam kung ano ang nasa utak ko. Pero hindi ko na siya pinansin pa at nag abala na lang akong ubusin ang pagkain ko.
Mabuti na nga lang at nagkataon na wala din siyang lipad ngayong week kaya naman nagkaroon kami ng oras para mag bonding. Sabi niya may flight daw kasi ang iba maliban kay Aiofe dahil bigla na lang daw ito nawala na parang bula. Nung una ayoko pa maniwala pero nung subukan ko na hanapin at bisitahin ang lahat ng socmed niya sa phone ko, totoo nga na naglaho ito.
Because of that, I wanted to ask Yvette about it pero naisip ko na mas mabuti siguro kung manahimik na lang ako. Tulad ng kanina ko pa din na ginagawa, sunod sunod na lang akong umiling iling para alisin yon sa isip ko. Dahil sinabi ko sa isip ko na titigilan ko na muna ang pag iisip sa mga problema. Problema na sa tingin ko ay wala ng resolba.
Sa hindi inaasahan, bigla na lang rin sumagi sa isip ko si Brent. It's been months already since we broke up. Halos lahat ng meron kami noon ngayon ay talagang wala na. I wonder what he was doing right now after his parents voluntarily giving up themselves for what they did to my parents.
Wala ako nung mga panahon na sumuko ang mga magulang niya pero si kuya Beain naman ang humarap sa kanila. Kaya simula non, nagsimula na akong utusan ni kuya na lumayo kay Brent. Kahit na sa kabila non ay hindi pa rin maiaalis sa amin ang magkaroon ng komunikasyon dahil sa mga kaibigan namin.
Ganito pala ang feeling kapag nasa circle of friends ang ex mo. Ang hirap gumalaw.
"Oo nandito kami ngayon sa third floor." Nagising ang diwa ko sa boses ni Yvette ng marinig ko siya na magsalita. Napalingon ako sa kanya na may kausap na ngayon sa phone.
"Sino yan?" I whispered and raised a brow to her thinking about who she was talking on the phone. But instead na sagutin niya ako, nginisihan niya lang ako kaya naman agad ko na nagsalubong ang mga kilay ko.
"Ow! They we're already here na pala!" She suddenly sounded excited and avoiding my presence! Like she was really happy dahil hindi siya pinaasa nung kausap niya. Dahan dahan akong sinundan na lang din agad ang direksyon na tinitignan niya habang patuloy pa rin akong nagtataka.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
Roman d'amourFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.